Hope 18: Zoe's Long Hair

3.6K 44 6
                                    

PAUL's POV

Tinawagan ako ni Lyndon para sabihin na dumating na siya sa Pilipinas at nandito siya sa MU. Nagulat ako nung malaman kong nasa clinic ito. 

Actually best buddy ko siya. Magkasama kami sa lahat ng kalokohan nung grade school pa lamang kami at naghiwalay lang kami nung pumunta silang ibang bansa. 

Ilang taon ko din siyang hindi nakikita kaya naman excited na ako sa kanyang pagbalik. 

Palapit na ako sa clinic ng may marinig akong boses na nag-uusap. 

Pamilyar sa akin ang boses nung babae pero hindi ko sigurado kaya lumapit na lang ako sa loob. 

Pagbukas ko. 

"PAUL??"

"CASSANDRA??"

Sabay pa kami. 

Anong ginagawa niya dito?

Bakit sila magkausap ni Lyndon? 

Huwag niyong sabihin na si Zoe ang nakasipa nung batong tumama sa noo ng bestfriend ko? 


"Teka? Magkakilala kayo?" -- tanong ni Lyndon sa akin.

"Ikaw yung bestfriend niya?" -- tanong naman ni Zoe. 

"Oo at Oo. Bakit kayo magkasama?" -- tanong ko naman

"Badtrip ako kay Cristoff. Sinipa ko yung batong nakita ko sa daan pag-alis ko ng tambayan. Pahara hara yang bestfriend mo kaya siya ang natamaan." -- Zoe

"Eh kasalanan ko ba namang doon ako mapadaan?"-- Lyndon

"Tss." -- Zoe

"Cass, kanina ka pa hinahanap ni Harry." -- sabi ko

"Mainit ulo ko. Baka sa kanya ko lang maibuhos inis ko." 

"Puntahan mo na. Mainit din ang ulo at gutom na yata."

Biglang tumunog ang cellphone ni Zoe.

"Iniwan ko diyan sa tambayan yung pagkain. Kumain ka na lang ng sayo at late na ako sa klase ko." -- Zoe

Nagkatinginan lang kami ni Lyndon. 

"Ay anak ka ng ewan Harry Monterverde. Kung ayaw mong kumain, bahala kang magutom." 

"Una na ako Paul." -- Zoe

"Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, full name mo Zoe?" -- Lyndon

"Eh ano ba kasing kailangan mo sa full name ko? Irereport mo sa discipline? Oh tara sasamahan na lang kita para hindi ka na mahirapan pa." 

"Kalma ka lang Miss. Para ka namang dragon na bubuga ng apoy eh." -- Lyndon

"Hindi lang para, sasabog na nga. So stop pissing me off. Ciao." 

Iyon lang at umalis na si Zoe. 

Naiwan lang na nakatanga si Lyndon. 

"Anong problema non bro?" -- tanong niya sa akin. 

Nagkibit lang ako ng balikat ko. 

"Maiba ako pare, welcome back to the Philippines" -- sabi ko

"HAHA! Thank you Pare. So kumusta? May girlfriend ka na?" -- Lyndon

"Yun agad ang tanong pre? Wala akong girlfriend. But I like someone. Ikaw?" 

"Magkakaroon pa lang siguro. Manunuyo muna ako ng dragon." 

Lokong ito ah. 

Si Zoe pa yata ang gusto. 

"Tara sa cafeteria. Doon tayo magkwentuhan." -- yaya ko sa kanya. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon