Hope 37: We Could Happen

3K 35 2
                                    

CREIN's POV

Medyo matagal na din nung huli kong POV no? 

Namiss niyo ba ako?? ^______^! Si Chimimay kasi ayaw akong bigyan ng chance na maglabas ng saloobin ko. 

Bago sa akin ang pakiramdam na ito. Nasanay kasi ako na araw-araw, iba't ibang babae ang kasama ko. Pero ngayon, araw-araw, iisang babae lang ang kasama ko, ang laman ng isip ko at lageng nasa tabi ko. 

Si Zhy na sobrang selosa. Hindi ko naman siya masisisi kung minsan ay ganon siyang mag-isip. Hanggang ngayon kasi ang daming babae pa ding nagtetext sa akin at nagpaparamdam. But those days of playing as a jerk is over. 

Iniwan ko sina Harry sa plaza at umuwi muna sa bahay para magpalit ng damit. Nabuhusan kasi ako ng tubig habang inaayos namin yung bubong ng tolda. 

"Hi Sweetie." 

"Oh bakit andito ka na? Asan sila?" -- Zhy

"Naiwan doon. Magpapalit lang naman ako ng damit tapos babalik ulit ako doon. Hindi pa kasi kami tapos." 

"You okay?" 

"Oo naman. Palit muna akong damit ha?" lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. 

Pagakyat ko sa kwarto, narinig kong may nagsasalita. 

Si Lyndon may kausap sa cellphone. 

Hindi ko alam pero tila may kung anong humila sa akin para makinig sa kanya. 

"Tito, hindi ko alam kung paanong nangyari na may alam si Paul. Basta na lang siya lumapit sa akin at tinanong kung bakit ko daw tinawag na Zoe Ricaforte si Zoe." 

Hinintay ko ang sagot sa mga sinasabi niya. Naintriga na naman ako. 

Bakit hindi? Hindi ba't ako ang unang nakaalam na hinahanap ni Theo Ricaforte si Zoe? Hindi ko alam ang dahilan at sa tingin ko ngayong araw na ito ko malalaman kung anuman iyon.  

"Anong ginawa mo at pati si Paul unti unti nang nagdududa?" 

"I gave him the picture of Zoe's mom." 

"You gave what??" 

"I'm sorry Tito. I know it's too early for him to know the truth but I think may clues na siya." 

"How can you be so sure of that?" 

"Yung pin Tito. Yung pin na may initials niyo ni Tita. I bet nakita na din yun ni Paul sa gamit ni Zoe. Hindi ko alam kung paano pero hindi naman big deal sa kanya yung pin na ibinigay mo sa kanya. Pero lately hinahanap niya yun kay Yumi. Nawawala daw kasi and it happened na ikaw yung nakakita noon sa kwarto ni Yumi." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon