Hope 13.5: Threatened (Part 2)

3.8K 51 1
                                    

Crein's POV

Nakakairita. Ano bang meron sa lalaking yun at wagas kung makapagpacute kay Zhy. 

Hay! 

Nasaling lang siguro ego ko.

Mali sina Paul sa sinasabi nilang may nararamdaman ako kay Zhy. 

Zhy is just an ordinary girl. 

Just like the other girls out there so why should I get pissed off by her actions.

Makapunta na nga lang ng bar. 

Tinawagan ko yung tatlo. 

Pupunta daw sina Paul at Clyde. Si Harry? Susunod na lang daw. Ihahatid lang daw si Zoe sa condo. 

Umorder agad ako ng alak habang hinihintay ko yung tatlo. Nakakailang shot pa lang ako ng may lumapit sa aking isang babae.

"Hey! You're alone. Mind if i join you?" -- sabi nito 

"No. Its okay." -- sabi ko naman

Tahimik lang akong umiinom ng biglang may isang babae pang lumapit sa akin at bigla akong niyakap mula sa likod ko.

"Hey babe, bakit di mo na ako tinatawagan? Ngayon ka din lang naligaw dito. I miss you na." -- sabi nito

"Busy eh." sagot ko na hindi tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

"Now that you're here let's get out of here and go somewhere?" -- malanding sabi nito. 

"Nah! May usapan kami ng mga kaibigan ko." 

"What? Tawagan mo na lang sila." 

"Bakit ba ang kulit mo? Ayoko nga sabi eh >_____<" 

"Why so harsh? Kung ayaw mo eh di wag." -- mataray na sabi nito

Umalis na siya. Napatingin sa akin sina Paul at Clyde.

"Wow tol. Ikaw ba yan? Tinanggihan mo yung babae?" -- Clyde

"Tss. Sige mang-asar ka pa!" -- sabi ko

"Dun tayo! Idaan natin yan sa maboteng usapan" -- Paul

Napasunod na lang ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dati rati naman kapag ganitong may lumalapit sa akin ay agad kong pinapatulan pero ngayon, everytime na may lalapit sa aking ibang babae, pakiramdam ko nagtataksil ako.

Kanino? 

Doon sa babaeng wagas kiligin sa lalaking tinatawag niyang CHILDHOOD FRIEND.

"Anong problema Pare?"-- Clyde

"Ang problema niyan, paano niya aaminin sa sarili niya na nahuhulog na siya kay Zhy." -- sabi ni Harry na kararating lang. 

"I agree. Problem din niyan kung paano niya mapapaniwala si Zhy na may gusto ito sa kanya." 

"Bakit ba puro Zhy kayo diyan ng puro Zhy."

"Sus, kunwari ka pa! Paano yan? Nakafirst base na yung Niall? Doon daw magdidinner sa kanila si  Zhy eh." -- Harry

"Pakialam ko naman?" -- sagot ko

"Hay. Kelan ka ba aamin Crein? Nakikita namin na may nararamdaman ka para sa kanya pero idinideny mo pa din hanggang ngayon." -- Paul

"Wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya."-- Crein

"Sige lokohin mo lang sarili mo tol." -- Clyde

"Eh wala naman talaga ah." 

"Minsan Crein, iba ang sinasabi natin kesa sa totoong nararamdaman natin. Dahil sa hindi mo matanggap ang nararamdaman mo, ikaw mismo, niloloko mo sarili mo." -- Harry

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon