Hope 16: Pasulyap Sulyap

3.7K 52 1
                                    

HARRY's POV

Napaaway na naman si Zoe. 

Kahit kailan talaga, basagulera itong babaeng kawayang ito.

Pero napahanga ako sa pagtatanggol niya kay Zhy. 

Alam ko naman nasasaktan siya na tinatawag siya ng kung ano ano pero wala siyang reaksyon hinggil dun. 

Hay! Asan na kaya yung si Crein? 

Grabe naman kasi kung mag-walk out eh. Hindi man lang sabihin kung nasaan siya. 

Tawagan ko na nga lang. 

(Hello) -- Crein

"Asan ka Pare?" 

(Dito sa bar, naghahanap ng babae.)

"Baliw. Punta kami diyan. Hintayin mo kami."

Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tinawagan ko sina Clyde at Paul at sinabing puntahan namin si Crein. 

Si Zoe naman ay may trabaho pa sa library. Ipinasundo ko na na lang siya kay manong mamaya. 

Simula kasi nung insidenteng yun, hindi ko na pinapayagan na umuwing mag-isa ang kawayang yun. 

Boyfriend ba niya ako? 

Hindi. Haha. 

Kagagaling lang niya sa isang trauma, ayoko namang biglain siya, 

Pero kung tinatanong mo kung may gusto ako sa kanya. 

Nakuha niya interes ko at unti unti ko ng minamahal kung sino at anuman siya ngayon. 

Kumilos na ako para puntahan si Crein sa bar. 

Pagdating doon, nakita ko siyang may kasamang dalawang babaeng nakapulupot sa kanya. Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. Bakit? Eh kasi naman, kailangan niya pa ng panandaliang saya. 

"Crein."-- tawag ko. 

"Oh Harry. Order ka na. Sagot ko." -- sabi niya

"Paalisin mo yang dalawang linta na yan, darating na yung dalawa." 

"Okay lang yan bro." 

"May pag-uusapan tayo." 

"Please lang Harry, kahit ngayon lang, ayaw ko munang pag-usapan si Zhy, pwede ba yun?" 

Napatingin na lang ako sa kanya. Kumuha na lang ako ng alak at pinanood ko siya habang nakikipagbolahan siya sa dalawang babaeng kasama niya. 

Nang dumating yung dalawa, naiiling na lang din sila sa ginagawa ni Crein. 

Maya maya pa ay pinaalis na niya yung dalawang babae. 

"Cheers mga pare." -- at nag-offer siya ng toast. 

Lasing na lasing na siya. 

Puro ba naman hard drinks ang inorder niya. 

"Malala na yang isang yan, mga tol"-- Clyde

"Iuwi na lang natin siya."-- sabi ko

Tumayo kami at inalalayan namin si Crein upang madala sa kotse at maihatid sa kanilang bahay.

KINABUKASAN.... Monteverde University

Parang walang nangyari. 

Magkakasama kami ng araw na iyon. 

Well except kay Zhy na dinikitan na naman ni Niall.

Si Zoe, andito sa tabi ko kasama ni Paul. Nagpapractice sila para sa isang singing contest. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon