ZOE'S POV
Pumasok siya.
Sa wakas nakita ko rin siya.
Medyo naninibago ako sa kanya kasi naman ang sweet sweet niya sa akin.
Mahirap palang masanay na para kayong aso't pusa ng boyfriend mo. Simula kasi nung magkaproblema ako tahimik lang ako at tila walang gustong kausapin.
Nagiging unfair na ako sa mga taong tumulong sa akin nung panahong halos walang wala ako. Pero anong magagawa ko? Gusto kong mapag-isa.
Namiss ko itong lalaking ito.
Napangiti ako ng mag-umpisa na naman kaming magsigawan.
Just like the first time I enter this campus.
"Namiss kita."
Ibubuka ko pa lang ang bibig ko ng may marinig akong nagsalita.
"Namiss din kita."
I saw his face in shock.
Sino itong babaeng ito?
Bakit niya namimiss ang boyfriend ko?
Tumalikod na lang ako.
Siguro kung wala akong pinoproblema sinabunutan ko na itong babaeng ito.
Ang lakas naman kasing makamiss sa boyfriend ko no?
"BABAE"
Naririnig kong tinatawag niya ako pero dinedma ko na lang.
"Ano ba?" -- Harry
"I need you." -- sabi noong babae
"And my girlfriend needs me too." -- Harry
"I'm your fiancee."
"You're my what??"
Fiancee?
Wow! Anong meron? Bakit may fiancee?
"Babae."
Naririnig kong tinatawag niya ako pero deadma lang ako.
Ang sakit na kasi ng ulo sa mga nangyayari.
Sino ba kasi yung babaeng yun?
BINABASA MO ANG
That 0.1% Hope (Completed)
Teen FictionMinsan natutututo tayong maging manhid dahil na rin sa kagustuhan nating makalimot sa isang bagay na gusto pa sana nating hawakan pero wala ng pag-asa. Pero minsan, ung PAG-ASA na yun ang nagiging mitsa ng lahat ng SAKIT na maaari mong malasap...