ZOE's POV
Sa wakas nagkabati din ang dalawang lovebirds.
Nakatulong siguro yung kwento ni Clyde.
Narinig ko ho.
Pero wala akong balak sabihin na narinig ko.
Hindi pa siguro ito ang oras.
Anyway. Nagannounce na ng pagbaba ng eroplano so inayos ko na ang sarili ko.
At last.
Welcome home to me ^______^
Welcome to Puerto Prinsesa ^_____^
"Papa??" sabi ko
Si Papa nga. Niyakap ko siya habang nakatingin silang lahat sa akin.
"Nakakahiya sa mga friends mo. Iyak iyak ka pa diyan" --sabi ni Papa
"Eh namiss ko lang naman po kayo. Hayaan niyo na, sanay na sila sa akin."
"Oh siya, ilagay niyo na mga bagahe niyo diyan sa likod at sumakay na kayo. Malamang eh gutom na gutom na nga kayo."
"Thanks Pa."
Napatingin siya sa akin.
"Thanks san?"
"Thanks kasi pinayagan mo kaming magbakasyon dito."
"Mamaya na tayo magkwentuhan okay? Nagluto ang mama mo ng mga paborito mo."
"Talaga Pa?? "
Nakangiti siyang tumango.
Oh how i miss this old man.
Hindi ko alam kung ano ba yung nasa mga mata niya.
Lungkot?
Bakit siya malulungkot eh umuwi na nga ako.?
Huwag na nga lang pansinin.
Basta masaya ako kasi at long last, nakabalik din ako ng Palawan.
"Babae." -- tawag ni Harry
"Oh bakit?"
"Ipakilala mo naman ako sa Papa mo."
"Maghintay ka nga. Baka himatayin yan, hindi tayo makarating sa bahay."
"Magustuhan kaya niya ako?"
"Hindi."
"ZOE!" --sigaw niya.
Napatingin tuloy silang lahat sa amin. Napabungisngis na lang ako. Nakasimangot na si Harry.
Ang cute oh ^_____^
Ang sarap nyang batukan.
"Bakit iho anong problema?" --tanong ni Papa.
"Ah..eh.. wala po. kinukulit ko lang po si Zoe,hehe." -- nauutal na sabi ni Harry.
"Type mo anak ko??"
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Papa.
"O..Opo sir."
Hala ka.
"Mag-uusap tayo mamaya pagdating sa bahay. Sa ngayon sumakay na kayo at alam kong pagod kayo."
Nginitian ko lang si Harry kahit ang totoo kinakabahan din ako sa sinabi ni Papa. Seryosong seryoso kasi. Sumakay na kami sa sasakyang dala niya. Katabi ko si Papa sa unahan. Tapos sa likod namin sina Crein, Zhy at Harry. Nasa pinakahulihang parte sina Yumi, Paul, Lyndon at Clyde.
BINABASA MO ANG
That 0.1% Hope (Completed)
Teen FictionMinsan natutututo tayong maging manhid dahil na rin sa kagustuhan nating makalimot sa isang bagay na gusto pa sana nating hawakan pero wala ng pag-asa. Pero minsan, ung PAG-ASA na yun ang nagiging mitsa ng lahat ng SAKIT na maaari mong malasap...