Hope 8: The Fall

4.4K 71 13
  • Dedicated kay Lz Albances
                                    

Zoe's POV

Tila kaytagal ko ng nakahiga sa kamang ito. 

 Ayon kay Zhy hindi pa daw ako pwedeng lumabas ng ospital. Masyadong mahirap pagalingin ang mga pasang nakuha ko mula sa pagkakabugbog ng tita ko. Baka daw kasi may internal organs na tinamaan kaya kailangang makasigurado. 

Hindi sila pumapalya ng pagbisita sa akin. Nagdadala ng kung anu-ano. Gumagawa din ako ng mga missed exercises ko sa mga subjects namin courtesy of our subject professors. Alam na din sa school ang nangyari sa akin at tuluyan ng nalinis ang pangalan ko. 

Pero siempre haters gonna hate. Merong mga ilang makakati ang dila na nagkakalat pa din ng kung anong mga tsismis. 

Hindi ko na lang pinapansin. Kapag kasi pinansin ko pa, mas lalong lumalala.

Sabi nga ni Paul, let the issue die itself.

Madami dami na din akong alam sa mga kaibigan ni Harry.

Si Clyde? The studious type. Siya yung tipo ng tao na mapahawak lang ng isang libro hindi na tatantanan. At doon kami magkasundo. I really love to read books, especially yung mga series. Eto nga at kakatapos ko lamang basahin ang Trilogy of Hunger Games. Pinahiram ako ni Clyde ng new series about Immortal Instruments. Katatapos ko din lang basahin ang City of Bones. Sa kanilang apat, si Clyde ang panlaban ng school sa iba't ibang kumpetisyon. Gwapo din naman siya at hindi siya magpapahuli sa tatlo. 

Si Crein? The playboy. Bago ko pa naging kaclose madami na akong naririnig sa mga kaklase ko. They said that he's a certified heart breaker. Once you are caught by his charm, pretty sure you'll fall in his spell. Pero lately napapansin ko, nakadikit siya kay Zhy. First impression always last nga daw di ba? Pero hindi ko lang alam kasi iba yung nakikita ko sa mga mata ni Crein kapag kausap niya si Zhy. Although pinapansin ito ng kaibigan, malayo pa din loob nito sa binata. Natatakot yata na maging isa sa koleksyon ni Crein. But he's too good to be a friend. Napakasupportive. 

Si Paul? Match kami nito. Ewan ko ba. Napakarami naming pagkakapareho. We both love music. We both love musical instruments. Yung genre ng music pareho din kami. He's a mysterious type of guy. Pinakatahimik sa kanilang apat. We  both love unique food. Akalain niyo bang ginagawa din pala niya ang kawirduhan kong ginagawa sa pagkain ng singkamas. Isawsaw sa ketchup and we enjoy eating that stuff. He even braided my hair. He also love books. He wrote poems and put it in music. He has a lovely voice that can serenade a girl. Masasabi kong maswerte ang babaeng magpapatibok sa puso nito. But there's something hidden in his eyes. Malungkot ang mga mata niya. 

See? Ang tagal ko na sa ospital. Siguro mga two weeks na. And sa buong dalawang linggo na yun. Hindi ko nakikita si Harry. 

Oo. Tama yung nabasa mo. Si Harry.

Yung lalaking pagpasok ko pa lang sa MU ay nakasagutan ko na. 

Yung lalaking sinapak ko. 

Yung lalaking tinawag akong babaeng kawayan.

Yung lalaking may buhok na pinatungan ng ulo. Oo siya nga yun. Eh paano ba naman kasi hindi man lang nauso ang salitang gupit sa kanya. Parang pugad ng ibon eh. 

Yung lalaking nagsaboy sa akin ng paborito kong McFloat -_________- 

Yung lalaking naibato ko *evil grin* 

Yung lalaking nagligtas sa akin. 

Oo. Hindi maganda ang pagkakakilala namin pero sobrang laking pasasalamat ko na tinulungan niya ako. Alam kong sobra na ang hinihiling ko na sa tabi ko lang siya lage, pero i feel safe when he's around. Sa kanya ko nasasabi lahat ng gusto kong sabihin. He has a soft heart, I guess but he's so mean >.< 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon