Hope 26.5: Sembreak

3.1K 41 4
  • Dedicated kay Kimpoy Dee
                                    

ZOE's POV 

 Itinulog ko na lang ang mga nalaman ko ng araw na iyon. 

Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yun o gawa lang ni tita para saktan ako. 

Gumulo lalo isip ko. 

Dumami ang mga palaisipan sa utak ko. 

Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga nalalaman ko. 

All these years, hindi ko inisip na may ganitong pangyayari sa pamilya namin. Medyo nakakapanghina lang knowing some things about your existence. 

Kung totoong hindi ko ama si Papa, sinong magulang ko? 

Sino ang tunay na pamilya ko? 

Bakit ibang pamilya ang kinagisnan ko? 

Bakit kailangan nilang itago sa akin ang katotohanan? 

Hindi ba nila alam na sa lahat ng ginagawa nila ako ang biktima at ako ang higit na masasaktan? 

Bakit naroon yung matandang lalaking iyon. 

Hindi naman siya ganun katanda, kaedad lang yata siya ni Papa. 

Bakit kilala niya ang tita ko? 

Bakit kung mag-usap sila parang may ayaw malaman ang matandang lalaking iyon? 

Hay! 

Masakit talaga sa bangs -______- 

Kung bakit ba naman kasi naligaw ako sa lugar na yun.

Kung bakit kasi sa dinami dami ng lugar na pwede kong puntahan doon pa ako dinala ng magaganda kong paa. 

Pagkaalis ko sa selda ng tita ko. 

Dumiretso na ako sa condo. 

Bukas ang ilaw? 

Magtataka pa ba ako kung sino ang posibleng nasa loob ng condong ito? 

Binuksan ko ang pinto at tama ang hinala ko. 

Si Harry. 

Madilim ang tingin at magkasalubong ang kilay.

"Saan ka galing? Gabing gabi na ah." 

Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya. 

"Diyan lang sa tabi tabi" sagot ko. 

Napaawang ang labi niya. 

Hindi ko na lang siya pinansin. 

Naupo ako sa bakanteng sofa sa tapat niya at pumikit. 

May mga sinasabi pa si Harry pero wala talaga akong gana na makipagtalo pa sa kanya. 

Maya maya pa....

"Yakapin mo nga ako." -- sabi ko sa kanya. 

Napatingin naman siya sa akin. 

"May problema ba?" 

"Yakapin mo na lang ako." 

Alam kong nagtataka na talaga siya pero niyakap pa din niya ako. 

Ewan ko ba. 

Basta andiyan si Harry parang kayang kaya ko ang lahat ng anumang dumating sa buhay ko. 

Siya kasi yung lageng andiyan para sa akin kahit na ipinagtatabuyan ko siya. 

He's not bad after all. 

Siguro suplado siya. 

Siguro palage siyang nakasigaw sa akin. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon