Hope 12: Highschool Sweetheart?

4.1K 51 2
                                    

ZOE'S POV


"Maglinis nga tayo ng tambayan at ang daming langgam." -- Sabi ni Crein na tatawa-tawa.

"Baliw!" -- sabi ko. 

"Sus, ang iinit ng ulo niyong dalawa, gutom lang pala kayo." -- sabi ni Crein. 

"Eh ikaw kaya ang itapon yung paborito mong pagkain>.< " 

"Sus LQ lang kamo kayo ni Harry kaya mainit ulo mo."

"MakaLQ ka diyan isa pa babalian kita." 

"Dito na nga lang ako kay sweetie ko." -- sabi nito na bumalik sa tabi ni Zhy. 

Grabe din lang makadikit to sa kaibigan ko. 

Oo alam ko crush ni Zhy si Crein pero andon pa din yung takot ko para sa kanya. Like what I've said before, Crein is a total heart breaker. Once you fall for his spell, its either you get what you wanted or cry in pain. And Zhy in pain is painful to my heart. 

Anyway, napaparanoid na yata ako. Paano ba naman kasi kilala dito sa school itong si Crein na palit palit ng babae. 

"Zhy.." -- narinig kong tinawag ni Crein ang pangalan ni Zhy.

"Oh?" -- Zhy

"Sorry ha?" 

"May ginawa ka bang kasalanan para magsorry ka?" 

"Wala naman." 

"Oh eh bakit nagsosorry ka diyan?" 

"Sorry kasi hindi ko mapigil ang sarili ko na mahulog sayo." 

Yun oh. Ang Crein moves. Si Zhy ayun. Nakanganga. HAHAHA!

"Oh di ka na nagsalita diyan Zhy." sabi ni Crein sabay *pout*

"Eh ano ba kasing pinagsasabi mo diyan Crein. Para kang praning." 

"Praning na nga ako." 

"Pardon?" 

"Praning na ako sa pag-iisip kung paano ko makukuha ang puso mo." 

"Pesteng puso yan Crein. Kanina ka pa." 

"Kanina pa nga ako, binabalewala mo naman sinasabi ko." at humalumbaba pa ang mokong.

"Hindi ko binabalewala Crein. Ni hindi ko nga alam kung paano ako maniniwala sayo. Lahat ng sinasabi mo, lumang luma na sa pandinig ko."

"Zhy...."

"Oh??? Ang kulit ha!"

"Makulit na ba agad yun?" 

"Oo. Ang kulit mo."

"Eh sorry ulit kasi hindi ko kayang pigilin ang kakulitan ng puso ko na gusto ng tumalon patungo sa'yo." 

Napabuga ako ng tubig sa sinabi ni Crein.

"Ammmmmmp!" 

Napatingin silang lahat sa akin. Si Zhy, pigil na pigil ang tawa sa akin. 

Lumapit si Paul sa akin at hinagod ang likod ko. 

"Okay ka lang Sandy?"

"Yah. Thanks Paul."

Napansin kong umismid lang si Harry. Akala ko tulog siya -____-!

Bumalik na sa pwesto niya si Paul. Si Harry naman ay humiga sa couch at nagtaklob ng magazine sa mukha. 

"Paul?" -- tawag ko.

"Oh?" -- Paul

"Peram ulit gitara okay lang?" 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon