Hope 2: Round 1

7.3K 91 8
                                    

HARRY CLIFFORD's POV


Nakakainis! Naisahan ako ng babaeng kawayan na yun. 

TSS. 

"Ano ba kayo? Para kayong mga bubuyog diyan na bumubulong bulong sa likod ko." bulyaw ko sa mga kaibigan ko. 

Paano ko ba naman hindi bubulyawan, eh mula pa kanina nung basta na lamang umalis yung babaeng kawayan, wala na silang ginawa kundi magbulungan. Tatahimik lang kapag tumingin ako ng masama tapos biglang magtatawanan. Hay naku, ano ba namang klaseng umpisa ng pasukan to oh. Badtrip lang eh. 

"Ang lakas nung babae no?? Akalain mong sa payat niyang yun, nagawa niyang suntukin at sipain itong si Harry. Ito namang isa hindi makapalag." rinig kong sabi ni Clyde.

Tsk. Sino nga ba yang si Clyde. Siya lang naman ang kaibigan kong gwapo na genius pa. Sa aming apat, siya ang pinakamay utak. Pero ako pa din ang pinakamautak. *evil green. 

Panira talaga tong si Clyde ng POV oh. Tsk. Mabalik tayo sa sinasabi nilang tatlo tungkol sa akin.

"Hoy! Naunahan niya lang ako. Saka isa pa, napahiya lang yun. Nagwapuhan sa akin eh. Wala tayong magagawa diyan. Inborn na ang kagwapuhan ko. Wala na talaga siyang magagawa ko dun."

"Lakas mo nga pare. Ilang minutong tulala yung chix. HAHAHA! "

"Chix? Sino yung babaeng kawayan? Chix yun? Kelan pa naging sisiw ang kawayan."

"Maganda siya. Interesado ako sa kanya. Ano kayang pangalan niya." ani Cristoff Kevin (siya lang naman ang pinakadakilang babaero sa aming grupo.) 

"Huwag na huwag mo siyang lalapitan Crein. Lagot ka sa akin."

"Oh bakit naman? Huwag mong sabihing interasdo ka din sa kanya?" ngiting aso ang Crein na ito ah,

"Ano bang interesadong pinagsasabi mo. Gusto ko lang na mahirapan siya kaya wag na wag mo siyang kakantiin. Ako lang ang dapat maningil sa kanya. Matapos niya akong suntukin at sipain. HUH! Gaganti ako sa paraang gusto ko."

"Akala yata ng babaeng yun, mananahimik ako sa pinaggagawa niya sa akin kanina. Humanda siya sa akin. Ako yata sa Harry Clifford Monteverde. Kayang kaya ko siyang paikutin sa mga palad ko." 

Nabuo ang isang plano sa utak ko. 

Anong plano??

Sa amin na lang yun ng utak ko. 

Natahimik si Crein matapos kong sabihin yun pero ngiting aso sila habang nakatingin sa akin. 

"Anong problema niyong dalawa?" sabi ko kay Clyde at Crein

"Sigurado kang gaganti ka lang dun sa babae ha Harry??"

"Oo naman. Masakit sa ego eh, na ang gwapong katulad ko ay hindi napansin ng isang posteng babae."

Sira ulo na yata itong mga kaibigan kong ito. Kanina pa tawa ng tawa. Ano bang nakakatawa? Napasapo na lang ako sa ulo ko.Hindi ko din masakyan minsan ang trip ng mga ito. 

Biglang tumahimik ang dalawa ng ibato ni Paul Tristan yung hawak niyang libro. Itong isang ito, tahimik pero matindi tong magalit. Napatawa na lang ako ng maaninag ko ang takot sa mata ng dalawa. Pano ba naman, sa sobrang lakas ng tawa nila hindi makapagconcentrate ang isa sa kanyang binabasa.

"Mga adik talaga kayo no? Ang lakas din ng trip niyo! Hayaan niyo na nga yang si Harry. As if naman mananalo kayo sa panget na yan." ani Paul

Biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi ni Paul. Tawagin daw ba akong panget. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya. Natahimik din ang dalawang ugok ng makita nila na halos magdikit na ang dalawa kong kilay sa sinabi ni Paul. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon