Hope 33: Symptoms

2.9K 35 2
                                    

HARRY's POV

Hindi ko alam kung napagod lang ba ako sa byahe namin o binat lang itong nararamdaman ko. 

Isinasara ko ang isip ko sa anumang posibilidad na bumalik iyon. 

Hindi pwede. 

Hindi pwedeng bumalik siya dahil may isang tao sa buhay ko na hindi ko kayang iwanan, 

Not now, not ever. 

Hindi naman ito ang unang beses na sinumpong ako ng ganitong klaseng sakit. 

Ayoko ng mag-alala pa ang sila sa akin. 

Lalo na si Zoe. 

Lalo na ang babaeng mahal na mahal ko. 

Hindi ngayon o kahit kailan pa. Hindi maaaring bumalik ang sakit na matagal ko ng inakalang nawala na. 

Pero bakit bumabalik ang mga senyales? 

Bakit dumadalas yata na sumasakit ang ulo ko? 

Am I being paranoid? 

Paranoid enough to kill this vacation? 

"Lalaki?" 

Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Zoe. 

"Oh bakit?" 

"You okay?" 

"Oo naman. Bakit naman hindi?" 

"Eh kanina pa kasi kitang nakikitang tulala diyan." 

"Wala naman. Napagod lang siguro ako sa biyahe natin papunta dito."

"Gusto mo ng magpahinga? Pwede naman tayong umuwi na at hayaan na lang sila dito." 

"No. I want to stay here. Ang ganda kaya dito." 

"Basta tell me if you're not feeling well okays?" 

"Yah sure Zoe." 

Ngumiti lang siya. 

Yung ngiting pilit na nakita ko sa kanya nung nilagnat ako sa condo. 

Yung ngiting sinasabi niyang nag-aalala siya. 

Tumalikod siya sa akin. 

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na yakapin siya mula sa likod. 

"Oh? Makayapos lang lalaki." 

"Eh wag na kasi kumontra, payakap na lang." 

"Para kang timang." 

"Natitimang sa pagmamahal mo." 

"Kornibits" 

"Iloveyou!" 

"Kornibits!" 

"Zoe naman eh!" 

"Iloveyoutoo." 

Hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya. 

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mamimiss ko talaga siya. 

"May balak ka bang patayin ako?" 

"Wala naman." 

"Eh bakit kung yakapin mo ako, parang end of the world na??" 

Niluwagan ko ang yakap ko sa kanya. Ang siste para lang akong nakaakbay sa kanya.

After naming kumain, nagyaya ang mga kaibigan ni Zoe na pumunta sa maliit na falls na nandoon. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon