Hope 63: Space

1.6K 12 3
                                    

ZOE's POV

Ayoko magmatigas kasi wala naman mangyayari kung gagawin ko iyon. 

Hindi rin naman kami magkakaintindihan kung paiiralin ko ang pride ko. 

Mahal ko siya at hangga't maaari ay gusto ko siyang intindihin. 

Dahil wala namang iintindi na sa kanya maliban sa akin.

Hihintayin daw niya ako sa tambayan kaya pupuntahan ko siya pagkatapos ng mga klase ko. 

Tama sila. 

Si Harry lang ang makakasagot sa mga katanungan ko. 

Siya lang ang pwedeng luminaw ng mga tanong na nasa utak ko. 

Kung talagang ginagawa niya ito para sa aming dalawa, dapat hindi ako nagagalit. 

Dapat sinusuportahan ko siya. 

Dapat nagsasakripisyo din ako. 

Ewan ko ba.

Nitong mga huling araw napakasensitive ko. 

Konting kilos niya, may ibig sabihin para sa akin. 

Konting galaw niya, nawawalan ako ng tiwala sa kanya. 

Bakit? 

Dahil alam kong nasa paligid lang ang mga taong gustong sumira sa aming dalawa. 

Andiyan si Sharie. 

Andiyan ang Papa niya. 

Kahit pa hindi nakikialam ang tunay kong ama sa relasyon namin alam ko na tumututol din siya sa amin dahil kung hindi, hindi naman lage nakabuntot si Lyndon sa akin di ba?

At si Lyndon. 

Anong napapala niya sa pagsunod sa akin? 

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin pero hindi ba siya nasasaktan sa tuwing ipinaparamdam ko sa kanya na si Harry lang ang mahal ko at hindi ko kayang tumingin sa iba? 

Natapos ang klase ko ng eksaktong ikaanim ng gabi kaya naman halos takbuhin ko na ang papuntang tambayan kung saan naghihintay si Harry. 

Only to find out na ako ang nauna. 

Wala si Harry. 

Nadismaya ako. 

Uulitin na naman ba niya ang ginawa niya kagabi? 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon