Hope 47: Ironic Life

2.5K 26 5
                                    

ZOE'S POV

Nakatingin lang ako kay Paul habang tumutugtog siya.

He used to be my friend when i really needed someone to depend on.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan?

Bakit nga ba ako naiilang sa kanya?

Dapat nga mas maging close kami di ba?

Lumaki akong ako ang ate sa amin. Ano kayang pakiramdam ng may isa kang kuya?

Tumingin ako sa kanya at nakita kong papalapit siya sa akin.

Aalis ba ulit ako?

Iiwasan ko ba ulit siya gayung alam ko na kung saan patungo ang usapan namin.

"Don't you dare to stow away again Cassandra. We need to talk." -- Paul

"What?"

"Bakit ka ba iwas ng iwas?"

"I just dont  want to talk about it now"

"You know what, yung nararamdaman mo ngayon was exactly the same feeling na naramdaman ko na Ricaforte ako. Noon, wala akong karamay, pero ngayon sa kaso mo, narito ako. "

"Hindi ko kasi alam dapat kong maramdaman Paul."

"Magalit ka kung galit ka. Umiyak ka kung naiiyak ka. Sumigaw ka kung gusto mong sumigaw. Walang pumipigil sayo na maramdaman ang mga bagay na iyan."

"Bakit hungkag ang pakiramdam ko?"

"May mga bagay sa mundo na kailangan nating tanggapin para mas mailabas natin ang nararamdaman natin"

"Pero kahit anong pilit kong iabsorb sa utak ko ang lahat ng nangyari.Hindi ko alam kung bakit yung mga taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko, trinaidor lang ako."

"Paano mo ba magagawang tanggapin ang lahat, kung ung ikaw mismo hindi mo matanggap sarili mo."

"Para akong bagong tao. Bagong tao na hindi alam kung saan nagmula. Tama ka, hindi ko na alam kung sino ako." 

"Kung sakaling ready ka na alamin yung totoo, sabihin mo lang sa akin Cass. Sasamahan kita." 

Natahimik na lang ako. 

Ang totoo naman talaga gusto ko ng malaman kung ano ba talaga ang nangyari noon na dumating pa sa puntong ninakaw kami sa aming magulang at tuluyan ngang nagkahiwalay kaming magkapatid. 

Nagiging unfair na nga ba ako sa mga tao sa paligid ko? 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon