Hope 39: Lies

2.7K 31 2
                                    

ZOE's POV

Gulong gulo na ako. 

Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan. 

Magkagalit pa kami ni Harry. 

Ano ba naman ito. Ang dami daming tanong. Ang dami daming puzzle. 

Si Lyndon. Bakit ang dami dami niyang alam tungkol sa akin? Espiya ba siya? Bakit nya sinabing kakailanganin ko siya balang araw? 

Si Paul. Bakit pareho kaming may pin na ganun? Sino ang nagbigay noon sa akin at bakit initials ng parents niya ang nakalagay doon? 

Si Papa. Bakit tila hindi siya makatingin ng diretso sa akin? 

May itinatago ba siya? 

Ayaw ko na mag-isip kasi sobrang hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Masakit na ang ulo ko sa kahahanap ng sagot pero hindi ko masumpungan kung ano ba talaga ang totoo. 

"Zoe." 

Nilingon ko yung tumawag sa pangalan ko. 

"Oh Yumi. May kailangan ka ba?" 

"Sino ka ba? Bakit ginugulo mo ang buhay namin?" 

"Anong ibig mong sabihin?" 

"Huwag na nga tayong maglokohan dito kasi for sure naman alam mo ang tinutukoy ko. Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Alam ko kung bakit kita kinakausap."

"Alam mo Yumi, kahit ako puro tanong ang nasa utak ko. Hindi ko alam kung sino ako. Magulo ang utak ko and please huwag na din tayo magtalo kasi wala din naman mangyayari eh." 

"Inagaw mo na nga sa akin si Lyndon, pati ba naman kuya ko aangkinin mo?" 

"Wala akong inaagaw sayo Yumi. Alam mo na wala akong inaagaw sayo. Kung anuman ang nararamdaman ni Lyndon wala naman siguro akong kinalaman doon. Alam mo na si Harry ang mahal ko. At kung anuman ang sinasabi mong pati si Paul inaagaw ko sayo, maghinay hinay ka naman Yumi." 

"Siguraduhin mo lang na hindi ka papasok sa buhay namin. Dahil ayokong maging kapamilya ka kung sakali." 

"Ano bang problema mo sa akin?" 

"Nagkataon lang na gusto ka ng lalaking mahal ko. Yun lang." 

Napapailing na lang ako. Para tuloy gusto kong magsisi na bumalik pa ako dito.

Lumabas ako ng bahay at binitbit ko ang gitara. Kailangan kong mag-isip. Kailangan kong mapag-isa. Kailangan kong mailabas ito. Hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari.

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon