Hope 67: I'm Happy I guess

1.6K 17 11
                                    

ZOE's POV

Masakit marinig mula sa isang taong mahal na mahal mo ang mga katagang "I'm Sorry."

Sorry hindi dahil nalate siya sa mga date niyo. 

Sorry hindi dahil nakalimutan niyang ireply ang mga messages mo.

Sorry hindi dahil hindi niya nasagot ang mga tawag mo. 

Sorry hindi dahil nakalimutan niya ang special dates ng relasyon niyo.

Pero hindi eh.

Mas malalim pang dahilan. 

Mas malalim ang sugat na iniwan. 

Sorry dahil hindi niya sinasadyang mahulog ka sa kanya. 

Sorry dahil akala niya kaya ka niyang saluhin sa pagkakahulog mo. 

Sorry kasi ayaw ka niyang masaktan pa. 

Pero huli na. 

Nasasaktan ka na. 

Akala ko nung niyakap ko siya yayakapin niya din ako ng kasing higpit at hindi na pakakawalan pa 

Akala ko sasagutin niya ang sinabi kong I love you. 

Nakakadismaya. 

Hindi na dapat ako umasa dahil una pa lang sinabi na niyang tapusin na namin ang lahat. 

Mula sa pagkakayakap niya ay unti-unti siyang lumayo sa akin habang sinasambit ang salitang dumudurog sa puso ko.

Patawad. 

Mula nang araw na iyon nagkulong na lang ako sa kwarto. 

Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino. 

Masakit kapag yung taong nagpapangiti at nagpapaganda sa umaga mo ay siya na ngayong dahilan kung bakit pumapatak ang mga luha mo pagkamulat pa lang ng mga mata mo. 

Masakit alalahanin ang mga salitang binitiwan niya noong mga nakaraang araw pero mas masakit palang sariwain ang mga masasayang alaala na magkasama kayong dalawa. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. 

Kapag kinakausap ako ni Paul nilalampasan ko lang siya. 

"Hanggang kailan ka ganyan Cassandra?" 

Narinig ko siya pero ayokong magsalita. Alam ko na kasing bibigay ako oras na ibuka ko ang mga labi ko. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon