Hope 40: Bonfire

2.8K 28 0
                                    

ZOE's POV 

Ayaw ko pang bumalik sa Manila.

Pero hindi ko na kayang tagalan pa ang pangyayari. Or I can say hindi ko na alam kung paano ko pa tatanggapin ang mga sinasabi ng utak ko sa akin.

Ayokong maghinala. Ayokong magduda pero bakit kasi may mga ebidensiya na nagpapaisip talaga sa akin. 

Tahimik akong sumama sa barkada patungo sa ilog. 

May inihanda kasing bonfire party si Agua para sa amin. 

"Babae.." 

Wala ako sa mood makipag-usap kay Harry.  Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad ko. 

"Zoe." 

"Ano ba??" 

"Mag-usap tayo please." 

"Ayoko baka makapagbiro na naman ako, masamain mo pa." 

"Look, I'm sorry okay? Masyado lang ako madaming iniisip." 

"So ikaw lang ang may iniisip? Ikaw lang ang may problema? At kapag biniro ka, sisigawan mo ako? Ganon ba yun?" 

"Hindi naman yun sa ganun. Alam ko mali ang ginawa ko kaya nga nasosorry ako kasi alam kong hindi dapat kita sinigawan." 

"Mabuti alam mo." 

"Sorry na. Bati na tayo." 

"Hindi lang ikaw ang may problema Harry. Iniintindi naman kita, pero sana naman intindihin mo din ako. " 

"So ganito na lang ba tayo?" 

"Let's talk later. Hinahanap na tayo ni Agua. " 

At nagpatiuna na ako. Hindi na naman ako galit sa kanya. Nairita lang talaga ako na para bang siya lang ang may problema sa mundo. Masakit pa nito, girlfriend niya ako pero ni minsan, hindi niya ibinahagi sa akin kung anuman ang dinadala niyang problema. 

Siya na lang ng siya ang nakikinig sa problema ko. 

Siya na lang ng siya ang lumulutas sa problema niya. 

Ni hindi ko nga alam kung ano bang nararamdaman niya. 

Pakiramdam ko tuloy,wala akong kwentang girlfriend at hindi ko mapagaan ang loob niya. Na sa halip na matulungan ko siya ay nasisigawan pa niya ako. 

Naiinis ako hindi dahil sinigawan niya ako. Naiinis ako kasi hindi man lang niya sabihin sa akin kung ano bang problema niya. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon