Hope 52: An Order

2.4K 21 0
                                    

LYNDON's POV

Its been a long time. 

Kailangan kasing manahimik dahil seryoso na ang nangyayari eh. 

Mula nung malaman ni Zoe na anak siya ni Tito Theo, umiwas na siya sa lahat ng tao. Sumabay kami ni Yumi sa pag-alis ni Tito sa isla. 

Gustung gusto kong yakapin noon si Zoe pero wala ako sa posisyon para gawin iyon. Unang una, hindi ba ako ang katulong ni Tito Theo para malaman nila ang katotohanan sa pagkatao ni Zoe.

Ang mga clue na natanggap ni Zoe nung nasa Palawan kaming lahat ay ako ang naglagay. Nasasaktan ako para kay Zoe dahil gusto ko talaga siya pero hindi ko kayang iwan sa ere ang taong nagpalaki at nag-aruga sa akin. Isa pa, hindi masamang tao ang tunay na ama niya. Kung tutuusin binabawi lang niya ang dapat sa kanya. 

Pero kailangan masaktan muna ang babaeng gusto ko. Kailangan niyang malaman na siya ay isa sa tagapagmana ng ari-arian ng mga Ricaforte. 

Ang buong akala ko, kapag nalaman na ni Zoe na niloko siya ng kinilala niyang ama ay madali na para sa amin na kuhanin siya sa poder ng mga Fortenillo. 

But I was totally wrong to think that way. Hindi ko pa pala siya ganun kakilala. Pero hindi rin naman ako titigil hangga't hindi niya narerealize na kailangan niya kami para mas maging okay siya. 

Ilang linggo din ang nakakalipas mula nung maganap ang insidenteng yaon at ngayon lang ulit nagkasama sama ang barkada nila nina Paul. 

Speaking of Paul, mukhang okay na sila ng kakambal niya. Sabagay, kambal sila, kahit pa anong sama ng loob na meron sila, mawawala iyon basta silang dalawa ang magkasangga.

Ipokrito ako kung hindi ko aaminin na natuwa ako nung dumating ang isang babae sa buhay ni Harry at sabihing fiancee niya ang binata kasi nag-away silang dalawa. Pero labis ang panlulumo ko nang makita ko na magkayakap silang dalawa  sa ilalim ng punong iyon. 

"Alam mo na ngang masakit, titig pa." 

Si Yumi na hindi ko namalayang nakalapit na sa akin. 

"Ano ba kasing meron sa kanya na wala ako Lyndon. Bakit kasi yang babae pang yan ang gusto mo. Alam mo naman na may gusto at mahal siyang iba, masokista ka lang?" 

"Shut up Yumi! Kapatid mo pa din siya at hindi mo siya dapat iaddress ng ganyan." 

"Kelan mo lang siya nakilala pero bakit ganyan na agad yung nararamdaman mo sa kanya, samantalang ako, matagal na akong nandito para sayo hindi mo ako pinapansin." 

"Yumi kailan ka ba titigil ng kabaliwan mo?" 

"Kapag itinigil mo na din yang kabaliwan mo kay Zoe." 

"Hindi yun titigil. Alam kong balang araw, sa akin din siya tatakbo." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon