Hope 24: There was You

3.9K 42 6
  • Dedicated kay Angel Ica
                                    

ZHY's POV

Hanggang ngayon hindi ko pa din mapaniwalaan na andito si Crein sa tabi ko. 

Hindi pa din ako makapaniwala na mahal niya talaga ako. 

Hindi rin ako makapaniwala na nagawa kong magmahal ng iba bukod kay Niall. 

Si Niall. 

Kakausapin ko siya bukas. 

Sinabi din ni Crein na kailangan talaga naming magkausap. 

I don't know how to face Niall after what happened this night. 

He's the one who focused the spotlight when Crein was looking for me. 

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Crein sa kamay ko. Tiningnan ko siya and he smiled. 

Paano ba hindi mainlove sa mokong na ito, ngiti pa lang mahuhulog ka na. 

Noong araw na nakidnap ako, nauwi sa masinsinang pag-uusap namin ng mama ko ang nangyari. 

******FLASHBACK

Hindi ako malihim sa mama ko. Siya lang naman kasi ang napapagsabihan ko ng nasasaloob ko at alam kong maiintindihan niya din ako. 

Noong gabi umuwi ako, na kinidnap kaming dalawa ni Zoe, alam ni mama ang nangyari. 

"Nak?" 

"Ma...." 

"I won't ask if you're okay but i want you to be honest with me."

"What is it ma?" 

"Are you an item?" 

"Who?" 

"Niall and you." 

Napabuntong hininga na lang ako. 

"No ma." matamlay kong sagot.

"Then why are you acting as if you're an item?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Ganito kasi yun Ma. Nakiusap siyang magpanggap na kami para daw matreathened si Crein at gumawa ng hakbang to have me." 

"Anak, mahal mo pa ba si Niall." 

"Ma, lage ko sinasabi na si Niall ang mahal ko pero kumokontra ang puso ko. Kapag sinasabi kong si Niall pa din itinitibok ng puso ko, mas naramdaman ko naman pangungulila kay Crein." 

"Mahirap kalabanin ang puso anak. Pasaway yan eh. Pero kailangan magdecide ka ng mabuti. Kailangan pag-isipan mo hindi lang ng isang beses kundi ilang beses. Dahil tandaan mo anak, hindi lang ikaw ang masasaktan, nakakasakit ka din ng hindi mo nalalaman."

"Ma, you're right. Alam ko po na dapat hindi ako pumayag sa kagustuhan ni Niall. He's leaving this week and I want to talk to him." 

"Kausapin mo nga yung tao para hindi na umasa pa sayo kung wala naman talagang pag-asa."

"Ang sakit saktan ang isang taong naging bahagi na ng buhay mo at minsan na ring naging laman ng puso mo." 

"Pero mas masakit makitang nasasaktan ang isang taong dapat mo ng pakawalan pero ayaw mong bitawan." 

"Hindi ko man matumbasan kung anuman ang nararamdaman niya ngayon sa akin Ma, gusto ko pa ring manatili siya kahit bilang kaibigan lang." 

"He's you're bestfriend right? So kahit anong mangyari, I know he will stay beside you. But for now, I think anak, kailangan mo ng pakawalan si Niall kahit hindi mo pa alam kung anong gusto ng lalaking minamahal mo ngayon."

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon