Reina Guevarra
Ang amazonang ate ni Third. Maganda. Masayahin. Maingay. Malambing. Minsan moody. Matapang. Pero sa loob loob niya ay iyakin. Madaling masaktan.Sa kabila ng malakas na imahe na ipinapakita niya sa mga tao ay may marupok at mahina naman na pagkatao na nagtatago sa kanyang puso. Kahit na mahina siya sa loob ay hindi niya iyon gugustuhing ipakita sa ibang tao.
Niloko at pinaiyak ng kanyang ex kaya mainit ang dugo sa mga lalaki. O yung tinatawag na manhater.
Raphael 'Third' Guevarra, III
Ang bunsong kapatid ni Reina. 2 taon ang tanda sa kanya ni Reina pero babyng baby pa rin siya ng ate niya. Kaya asar na asar siya. Ayaw niyang makikita silang magkasama. Tiyak na baka asarin pa siya.Matalino. Masipag magaral. Maappeal. Lapitin ng mga babae pero wala siyang paki. Gwapo kahit nakasalamin. Hindi palaaway. Palaging umiiwas sa gulo. Model student. At higit sa lahat mapagkumbaba.
Pero sa kabila ng mga magagandang katangian niya ay siya pa rin ang nasasaktan. Nabubully sa school nila. Ang laging napagtritripan ni Win.
Win San Diego
Gwapo. Matangkad. Mayaman. Matalino. Maganda ang katawan. May abs. Kabilang sa judo team. Magaling kumanta at magguitar. Sikat. Habulin ng mga babae. Maraming chicks. Masunuring anak. Malambing na kuya. Pero sa kabila ng hahangaan mong katangian na yan ay hindi mo maitatago ang kinasama ng ugali niya. Mayabang. Suplado. Reklamador. Palautos. Paasa. Madalas magpaiyak ng mga kababaihan. Mapangasar. Bully. At malakas ang trip.Laging pinagtritripan si Third. Yun ang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Reina.
Hindi hahayaan ni Reina na apihin at pagtripan lang ng kung sino sino ang nakababatang kapatid niya. Pero ano nga ba ang gagawin ni Reina kung hindi naman niya makita ang dilim ng pagkatao ni Win?
Pero bakit nga ba sa dinamirami ng estudyante ay si Third pa ang napagtripan ni Win?
Abangan at kilalalin ang bagong bully na kaiinisan natin.
My Brother's Bully, Win San Diego
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...