Chapter 8 // Reina

718 30 17
                                    

Chapter 8
Reina

[ Third's POV ]

"Mrs. Guevarra," tawag ng doctor kay Mama. Tumango naman agad si Mama. "Base po dun sa X-ray ng anak niyo kanina. Dito po sa may wrist po niya." may itinuro ang doctor dun sa film na ipinapakita niya sa amin.

Bahagyang lumapit si Mama dun sa film at tiningnan iyon. Ganun din si ate. Ako ay nanatili sa may likod ni Mama.

"Ano pong meron, doc? Ano po ang problema?" tanong ni Mama.

Andito kami ngayon sa ospital dahil nagreklamo si ate kay Mama na hindi niya magamit ng ayos ang kamay niya. Sabi pa niya, sobrang sakit daw kaya eto.. Nagpapacheck up kami. Nagpa x-ray kanina si ate.

"Mrs. Guevarra, nagkaroon po ng crack ang buto niya dito. Kung makikita niyo po, may guhit po dito. Sa normal po na buto, smooth mo ang part na ito." pagpapaliwanag ng doctor.

Nakita ko ang gulat na gulat ng mukha ni Mama. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. Ang sa tingin ko, basta nabali ang buto niya. Di ko alam.

"Ano pong dapat naming gawin?"

"Maganda pong malagyan natin ng cast ang kanyang kamay. Para po hindi ito magalaw at gumaling po agad." mahinahong sabi ng babaeng doctor.

"Ay ganun po ba? Gaano po kaya katagal ang paggaling ng kamay niya? Kasi po nagaaral pa po ang anak ko.. Kanang kamay po ang ginagamit niya. Baka po mahirapan siya."

"Mga isang buwan lang po. Kung hindi ito parati magagalaw ay baka po gumaling agad ito sa loob ng 3 linggo."

Tumango si Mama sa sinabi ng doctor. Pagkatapos noon ay nilagyan na mga cast ang kamay ni ate. Tulala lang si ate at walang imik. Kanina pa siyang ganyan kahit na kumakain kami ng agahan.

"Magingat ka na sa susunod, Reina ha? Maswerte ka at iyan lang ang nangyari. Ano ba kasing nangyari diyan?" tanong ni Mama pagkalabas namin ng ospital.

"Wala po ito. Namali lang po ang pagbagsak ko ng nadulas ako sa CR." pagsisinungaling ni ate. Alam kong ito ay dahil sa pagtulak sa kanya ng Gino kahapon sa party.

"Osige. Mauna na kayo sa bahay. May bibilhin pa ko." ani Mama. Tumango lang kami ni ate.

Nang makaalis si Mama ay naglakad na kami pabalik sa bahay. Wala pa ring imik si ate. Mukhang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Oo naman. Bakit?" tanong niya. Wala talaga siya sa kanyang sarili.

"Kanina ka pang walang imik.. Mas um-okay ba ng nalagyan ng cast ang kamay mo?"

"Oo. Mas okay ito!" tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Kanina ko pang iniisip ito. Actually, hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip." sumimangot pa siya.

"Ng ano?" bahagya kong itinaas ang isang kilay ko.

"Anong nangyari kay Nina? Nasan na siya? Wala na siya sa school di ba? O kinuha na siya ni Lord?"

"Ate, sinabi ko naman sayo, di ba? Hindi ko alam." maikli kong sagot. Napapikit ako ng mariin sa aking sentido.

2 years ago..

Nakatayo ako sa labas ng isang classroom at iniintay matapos ang klase ni Ma'am Kendy. Hawak hawak ko ang mga project na ipapasa dapat sa kanya.

Natapos na din. Naguunahang maglabasan ang mga estudyante at ng maubos iyon ay saka ako pumasok.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon