Chapter 32 // Home

276 4 0
                                    

Chapter 32
Home

[ Zeke's POV ]

Muling tumunog ang cellphone ko.

"Assh*le." mura ko at kinancel ang tawag. Kanina pang tumatawag ang kuya ko at wala akong balak sagutin iyon. Bakit ko sasagutin? The hell!

Nakasakay na ako ngayon sa bus. Uuwi na kong magisa. Oo, ako lang. Dito nila makikita na kaya kong magisa. Alam kong mas matagal ang byahe kapag land pero gusto ko lang lumayo sa kanila. At ito ang naisip kong paraan. Hanapin nila ako hanggang gusto nila.

Tumunog ulit ang cellphone ko. "Tsk. Bahala ka diyan."

Napapatingin ang katabi ko dahil sa mga sinasabi ko.

Tumunog muli ang cellphone ko. Nagtext si Third.

Third:
Kumusta si Win?

Zeke:
Okay naman. Kaso umaalis ako dun.

Third:
Oh? Bakit? San ka punta?

Sa totoo, hindi ko alam. Ayoko namang umuwi sa bahay namin. Sa ngayon, isa lang ang alam kung pwedeng puntahan. Yung pwedeng pagkatiwalaan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa bus. Palubog na ang araw at napatunayan ng relo ko na mag 6pm na. Pinindot ko ang cellphone ko ngunit hindi ito bumukas.

"Bwiset. Empty bat. Wrong timing naman o."

Cellphone at konting pera lang ang dala ko ngayon. Wala akong magawa upang malibang ang aking sarili. Sumakit na ang puwet ko dahil sa tagal kong nakaupo dito. Kung sa helicopter sana ako nakasakay, malamang nandun na agad ako sa pupuntahan ko.

Magdamag na sa bintana lang nakapako ang tingin ko. Tinitingin na ang dilim ng kapaligiran. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Madiin kong ipinikit ang aking mga mata. "Kung sana andito lang si Win."

Medyo sumisikat na ang araw nang makarating ang bus sa terminal. Magsi 6 na rin kasi ng umaga. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako.

Nang makababa ako ng bus, pumara agad ako ng taxi at sinabi ang lugar. Nasilip ko ang charger ni kuya taxi driver at kinapalan ko na ang mukha kong manghiram. Malas lang dahil android ang cellphone niya at walang cord para sa cellphone.

"Salamat na lang, kuya. Doon na lang po sa may brown na gate." inabot ko ang bayad sa kanya. Buti nagkasya pa. Yun na lang ang natitira kong pera.

Agad akong nagdoorbell nang tumapat ako sa may gate.

"Sino sil- o, Zeke. Ikaw pala. Pasok ka." ani ng Mama ni Third. "Ang aga mo a? Pasok ka."

"Salamat po. Si Third po?"

"Andoon, naliligo pa lang. Halika pasok ka. Kumain ka na ba?"

"Ahh.. O-"

"Halika. Umupo ka na dito at kumain ka." hinila niya ako para makaupo sa may hapag. "Third, andito si Zeke. Bilisan mo maligo." sigaw pa niya.

"Salamat po." aniko.

"Kumain ka lang. Ano gusto mong inumin?"

"Ahh. Tubig lang po." akmang kukuha pa siya ng baso. "Ako na po."

"Ah sige."

Natanaw ko namang bumaba ng hagdan si Reina. Basa pa ang kanyang buhok at nagaayos ng kanyang necktie.

"O Reina, sumabay ka na kay Zeke kumain. Hindi pa ba tapos si Third."

"Patapos na po siguro." Reina

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon