Chapter 31 // Chance

272 6 3
                                    

Chapter 31
Chance

[ Yasser's POV ]

Pauwi na ngayon ng bahay nila sina Tita Juanita at Tito Lucio, mga legal guardian ni Win. Ayaw pa sana nilang umalis at iwan si Win pero dahil napagusap na kami muna ang tatao ngayon dito sa ospital at sila naman ang para bukas. Pumayag naman sila.

Ang naiwan na lamang dito sa kwarto ay ako, si daddy, si Raffy at ang mommy niya. Si mommy ay pinauwi muna ni daddy dahil sa pagsakit ng ulo niya. Marahil ay dahil sa nangyari at ginawa ni Zeke kanina. Sa tingin ko ay hindi lang ang ulo ang sumakit kay mommy, pati ang puso niya. Ramdam ko ang pagkabigo sa mga mata niya.

Napabaling na lang kami ng may kumatok sa pinto.

"Mr. De Guzman," tawag ng isang babaeng nurse. "Available daw po ngayon si Dra. Cheng. Kung gusto niyo po siyang makausap ngayon, nasa clinic po siya."

"Sige. Pupuntahan namin siya ngayon din. Alam mo ba kung saan ang clinic niya, ineng?" tanong ni daddy.

"Ang clinic niya po ay sa may kabilang building. Room 215 po."

"Sige, salamat." Tumango ang nurse bago muling isinarado ang pinto.

"Kami na muna dito, Marselo." mungkahi ng mommy ni Raffy. "Itatawag ko na lang kung magising si Win at hanain kayo."

"Maraming salamat. Sige, alis na muna kami. Kayo na muna bahala dito."

Dumiretso kami ni daddy sa kabilang building. Papasok na kami ng entrance ng magtanong siya kung nacontact ko na daw ba ang kapatid ko. Iling lamang ang naisagot ko. Naabutan ko ang paghinga niya ng malalim.

"Sorry, dad. Nagri ring po ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot." sabi ko.

"Hindi mo kailangang magsorry, Yasser. Baka tama nga ang kapatid mo. Maybe I'm being unfair."

"Dad.."

"Siguro dahil nakita ko ang sarili ko sayo. Na kahit anong ibigay ng Lolo mo ay kinakaya ko. Siguro.. hindi ko lang nabigyan ng chance ang kapatid mong patunayan ang sarili niya."

Bigo ang boses ni Daddy. Gusto kong sabihin na hindi niya kasalanan kung ano ang nangyari kay Zeke. Ang lahat ng nangyari kay Zeke ay base sa mga desisyong ginawa at pinili niya. Hindi nagkulang ang parents namin na pangaralan siya. Ang pagkukulang ay sa kapatid ko. Hindi siya marunong makinig. O hindi rin namin siya pinakinggan?

"Don't worry, Dad. I'll do everything to bring him back. Wag na po kayong magalala ni mommy."

"Naniniwala ako sayo, Yasser."

Nakarating na kami sa tapat ng clinic ni Dra. Cheng. Pinatunayan iyon ng pangalang nakalagay sa gilid ng pintuan. Kumatok kami at agad namang pinapasok ng secretary. Aniya ay hintayin daw namin dahil may isang pasyente pa si doc. Ilang saglit ay lumabas din si doc kasama ang pasyente niyang may benda sa kanang mata. Nagpaalam ito kay doc.

"Mr. De Guzman, pwede na po kayong pumasok." turo ng secretary papunta sa may isa pang silid.

"Yasser, maiwan ka na lang muna dito." tumango ako at nagpaiwan sa may upuan. Siguro masyadong pribado ang magiging paguusap nila.

Tumunog ang cellphone ko at tumatawag ang isang unknown number. Agad akong nagpaalam sa secretary upang sagutin ang tawag.

Nang maisarado ko na ang pinto ay agad kong sinagot ang tawag. Nag e expect na kapatid ko iyon. "Hello?"

"Hello, Yasser. Si Earth ito. Nasan kayo? Kakausapin niyo daw yung Psychiatrist?" anito.

"Ikaw pala. Oo. Andito kami sa kabilang building. Room 215. Kaso si dad lang ang kausap ng Psych."

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon