Chapter 6
Gino[ Franco's POV ]
Halos mawarak ang dibdib ko dahil sa bilis ng kabog ng puso ko. Nagtatalon ako bago huminga ng malalim. Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong masamang gagawin a.
Nakakainis naman kasi. Bakit ba ako pa ang dapat maginvite? At bakit pa kailangan silang iinvite? Close na ba sila? Tsk. Okay lang naman sanang maginvite kung si Quina lang. Pero pati si Reina? Umiling na lang ako.
Binuo ko ang aking sarili. At bumaling na sa direksyon nila. Nagrereview sila ngayon sa library. Nagsimula na kong maglakad.
"Wag mo na lang tingnan si Reina. Kay Quina ka na lang tumingin." sabi ko sa sarili ko. Tumango ako. Tama. Yun ang dapat kong gawin.
Nang makarating ako sa table nila, iyon nga ang ginawa ko.
"Hi, Quina!.. Ylena.. Reina.." bati ko. Tumango ako sa bawat isa ng hindi tumitingin sa kanila. Animo'y may stiff neck ako. Hindi ko tiningnan ang reaksyon ng dalawa.
"Anong problema mo?" matigas na tanong sa akin ni Reina. Doon na ko napalingon sa kanya.
"Grabe ka naman! Problema agad? Hindi ba pwedeng may sasabihin lang o kaya may kailangan lang?" pagtatama ko.
"Ewan ko sayo! Basta nakikita ko pa lang ang mukha mo ay nagkakaproblema na ko." sagot niya. Nakita ko pang nagpigil ng tawa ang kaibigan niyang si Ylena.
Hindi ko na alam kung paano sila iinvite. Kung kakausapin pa lang ay nahihirapan na ko. Paano pa kayo kung iinvite? Natural tatanggi sila.
Umupo ako sa may table nila. At itinungkod ang ulo sa may kamay ko. Feeling ko nagkaheadache ako bigla. Tsk!
"Franco, ano ba talagang kailangan mo? May sasabihin ka ba?" tanong ng isang napakagandang boses. Agad nabuhay ang aking dugo at umupo ng maayos.
"Ah Quina!" nabigla ako at agad na nahawakan ang kamay niya. Nanlaki bigla ang magaganda niyang mata. Agad kong tinanggal ang kamay ko. "Ay sorry.. Sorry.."
"Tsk. Ano ba? May sasabihin ka ba? Dalian mo! Minamanyak mo lang ang kaibigan ko." napalingon ako kay Reina at pinandilatan pa ako ng mata. "Bilis!"
"Ok fine! Si Win. Birthday niya sa Saturday. And.. he's inviting you."
"Sino?!" pagalit na sabi ni Reina.
"Si Win! iniinvite kayo! Kayong tatlo!" sigaw ko habang kinakamot ang ulo ko. Wala akong dandruff.
Matalim akong tiningnan ni Ylena. "Anong plinaplano niyo ha?" tanong nito.
"Huh?" bahagya kong tinagilid ang ulo ko. "Anong plinaplano..?"
Halos mapatalon ako dahil pinalo ni Reina ang lamesa.
"Tinatanong ni Ylena kung anong plano niyo? Bakit kami iniinvite ng loko na yun? Close ba kami? Ni hindi nga kami magkaibigan! Kaya sabihin mo na kung ano ang plinaplano niyo!" pasigaw niyang sabi. Mainit ang dugo niya sakin.
"Masyado naman kayong judgemental! I mean.." itinuro ko siya. Hindi kasama si Quina. "Ikaw!Masyado kang judgemental!"
Masama ang tingin sa akin ni Reina. Maging si Ylena. "Hindi kami pupunta." aniya. "Tara na, girls." patayo na sila kaya pinigilan ko agad siya.
"Teka, bakit?"
"Tinatanong pa ba yan? Helloooo? Kayo ang mga nambubully sa kapatid ko. Sa tingin niyo may tiwala pa ko sa inyo? Hell no! Kahit anong gawin mo, wala. Di kami pupunta."
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Jugendliteratur[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...