Chapter 3 // Franco

863 40 21
                                    

Chapter 3
Franco

[ Win's POV ]

Pumunta ako ng MVL, hideout o tambayan namin at naabutang nagiinuman na sila doon. Humihithit ng sigarilyo iyong si Brandon at Franco. Si Vincent ay umiinom sa kanyang baso. Samantalang si Yasser ay nagda darts.

"Uy, tagal mo naman." ani Vincent habang binibigyan ako ng baso. Iniinom ko naman agad ang laman noon.

"Akala ko tutugtog kayo?" tanong ko. Kumuha ako ng isang yosi at nagsindi agad.

"Nakakatamad. Di kompleto." untag ni Franco. Bumuga siyang ng usok bago humithit ulit sa yosi. Tumango lang ako.

"Asan si Third?" tanong ni Yasser. Kasi tuwing sasabihin ko na pupunta akong school. Pagdating ko dito ay kasama ko na ang isang yon. "Di mo kasama?"

"Andun si Zeke. Maloko ang batang yon." ani ko. "Pagsabihan mo, Yasser."

"Maloko si Zeke pero walang makakatalo sayo, Win." pagbibida ni Franco. "Buti hindi naging manloloko. Isang letra na lang magkakaparehas na." humalgalpak pa ito ng tawa. Siya lang ang tumawa.

"Wag mong igaya si Win sayo, Franco!" bulaslas ni Brandon. "Si Win, maloko. Ikaw, manloloko!" dagdag pa nito. Animo'y may pinaghuhugutan kung hindi lang siya tumawa ng malakas.

Naikwento rin nila sa akin ang natitipuhan ngayon ni Franco. Anila'y cute daw yung babae. Okay lang naman na magkacrush siya pero nung mabanggit ni Brandon na muntik na niyang patulan ang isang babaeng kaibigan nito ay kulang na lang ay suntokin ko siya. Medyo nakainom na ko at uminit rin talaga ang ulo ko. Ayaw ko talaga ng lalaking pumapatol sa mga babae. Hindi ito maganda.

Pero agad napawi ang inis ko nung nakita ang mapulang pisngi ni Franco. Bakat pa dito ang kamay ng babae. Kaibigan niya ako pero sa tingin ko ay dapat lang iyan sa kanya. Minsan ay dapat nakakaranas siya ng ganyan. Ng magising siya sa katotohanan.

"Bakit di siya nagrereply?!" tanong ni Franco habang nagtatype sa kanya phone. Halos itapon niya ang cellphone niya sa sama ng loob.

"Wala ng alak!" nangingiyak na sabi ni Vincent. Nagtitingin siya ngayon sa ref. "Nooooo!" sigaw pa niya. Marahil tinamaan na talaga siya. Humiga na rin ito sa sahig.

"Di na pwedeng magdrive yan." sabi ko habang itinuturo si Vincent ngunit walang pumansin sa akin. Lahat sila ay tulog na maliban sa amin ni Yasser.

"Tara na?" tanong sa akin ni Yasser. Tumango lang ako.

"Diyan na kayo. Kina Yasser ako matutulog. Yun ang paalam ko sa tatay ko." sabi ko at nagpaalam na rin. Humirit pa si Vincent na wag daw namin siyang iwan pero wala itong nagawa.

Kahit ganito ako, masunurin naman akong anak. Di tulad ng iba, mahalaga sa akin ang aking pamilya. Importante sila kahit na isa isa nila akong iniiwan. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

"Okay ka lang?" tanong ni Yasser nang mapansing kumuyom ang aking panga. Tumango lang ako.

8pm na. Naglalakad kami ni Yasser pauwi. Di kami nagdala ng sasakyan dahil baka ma aksidente o baka maka aksident pa kami. Ayaw pa naming mamatay.

"Si Zeke!" untag ko ng makita ko siya na palabas ng ministop. Napansin agad niya kami. "Zeke boy!"

"Bumili ako ng ice." paninimula niya. "Sabi mo kasi sa bahay ka at magiinuman tay- Teka! Nakainom na ba kayo?" Napansin ko ang panlalaki niya ng mata at napangisi ako.

"Oo, pero kailangan pa nito ng second round. Tamang tama. Sa bahay." sagot ni Yasser. Tumawa na rin siya.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. 11am na ko nagising at nakaalis na pala itong si Yasser at si Zeke. Di man lang ako ginising.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon