Chapter 4
Yasser[ Third's POV ]
Zeke:
Third, soccer field kami ni Onew at Patrick.Win:
Sa canteen. Ngayon na.Halos maitapon ko ang cellphone ko sa nabasa ko. Napansin iyon ni Sharicca kaya pibigilan ko ang sarili ko.
"Okay ka lang ba, Third?"
"Oo.." sagot ko napansin ko ang pagtaas ng isa niyang kilay. Tulad ko, matalino ito. Alam kong hindi siya naniniwala.
"Sige, una na ko." pagpapaalam niya. Kitang kita sa mukha ang hindi pagsangayon. Di na ako sumagot. Umalis din naman agad siya.
Tiningnan ko muli ang text ni Win. Kahit magalit ako, alam kong wala akong karapatan. Nanghina ako at napaupo sa aking silya. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ko tratratuhin ng ganito.
Kinuha ko ang notebook ko at dumiretso sa dapat kong puntahan. Sa canteen. Dapat ay nasa library o nasa soccer field ako ngayon at nagbabasa ng libro. Hindi dito sa maingay na lugar na ito.
Pagkapasok ko ng canteen, namataan ko agad ang table ni Win at ang mga kabarkada niya. Nagtama ang mga mata namin. Kumaway siya at tinawag ako. Wala akong ibang choice kundi ang lumapit.
Palapit pa lang ako, napansin ko na agad sa may gilid ng table nila ang ate ko. Napahinto agad ako. Bakit kung kailan hindi maganda ang orasay andun ang ate ko?
"Third.." untag niya. Hindi ako gumalaw. Napansin ko ang paglingon ng grupo ni Win sa kanya.
"Hindi kita kilala!" sabi ko. Inunahan ko na siya. Baka kung ano pa ang sabihin niya.
Dumiretso na ako dun sa table nila. Umupo ako at tumingin sa kabilang direksyon. Salungat sa table ng ate ko. Halos manigas ako sa kaba.
"Aba, may fan girl na itong si baby boy." loko ni Franco sabay tawa. Hindi ako nagsalita.
"Nasan ang pagkain mo?" tanong ni Brandon. Seryoso ito pero hindi ko alam kung totoo.
"At yung gatas mo, baby boy?" pangaasar ni Vincent at nagtawanan sila.
Kung may dala akong pagkain ngayon ay tiyak na isasabaw nila ang gatas sa kanin. At iyon ang ipipilit nilang ipakain sa akin. Sa totoo ay okay lang naman yun. Siguro ay medjo nakakadiri. Pero dahil alergic ako sa gatas, nagpapantal pantal ang balat ko kapag katapos. Hindi nila alam yun at hindi nila pwedeng malaman.
Nanlalamig na ang mga kamay ko sa aking katayuan. Hanggang ngayon ay kitang kita ko pa rin sa gilid ng aking mata ang pagtitig ng ate sa aking direksyon. Kinuyom ko ang aking panga.
Tumayo ako. "May gagawin pa ko." pagpapaalam ko.
Tinalikuran ko sila at naramdaman ko na lang ang isang kahon na ibinato ni Win sa akin. Maya maya ay naramdaman ko na unti unting nababasa ang damit ko.
Narinig ko pa ang pagirit ng mga kaibigan ng ate ko sa nangyari. Hindi na ito bago sa mga kaibigan ni Win kaya parang wala lang ito. Halos araw araw ay ginagawa nila ito. Mas malala pa kung nasa mood sila sa pangaasar.
Nilingon ko si ate. Alam kong ilang saglit ay susugudin na niya itong si Win. Hindi ko alam pero parang nakuha niya ang titig ko. Para bang nagsalita ito na wag na siyang lumapit. Ayokong masangkot siya sa gulo. Ayokong madamay pa siya dito.
Alam ko ang naging kasalanan ko sa kanya. Sinisisi niya ako sa nangyari sa kanya. Aniya'y sinira ko ang pamilya nila. Alam kong baka hindi niya na ako mapatawad. Handa akong tanggapin yun. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakaya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...