Chapter 23
Sulat[ Third's POV ]
Bumaba ako ng hagdan ng marinig ang pagbukas ng gate. Tiyak ko na si Ate Reina na yun. Kanina pa kasing nakauwi sina Mama at Papa nasa office lang sila ngayon.
"San ka galing?" pambungad ko. Gabi na rin kasi. Imposible namang tungkol sa school works ang ginawa niya dahil ipinadala niya sa akin ang gamit niya. Hindi niya ako sinagot. Napakunot na lang ang noo ko ng makita ang matamlay niyang mukha. Agad siyang lumagapak sa may sofa. Waring sobrang bigat ng katawan niya at hindi na niya napigilang humilata doon. "Anong problema?"
Napansin kong mapula ang kanyang mata mula sa iyak. Alam kong may problema. At gusto kong malaman iyon. Gusto kong tulungan siya. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nahihirapan. Marami na siyang bagay na nagawa at sinakripisyo para sa akin. Kahit konting tulong man lang ang maialok ko sa kanya ay matutuwa na ko.
"Ate," tawag ko. Umupo ako sa one seater na sofa na katabi niya lang. "You can tell me."
May tumulong luha galing sa mga mata niya. Agad niya iyong pinahid. "Kawawa siya." paninimula niya. Hindi ko nakuha ang kanyang sinabi. Gusto ko sanang magtanong pa ngunit hindi na kinailangan. Humikbi siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung pwede lang na mabawasan ko ang sakit at bigat na dinadala niya, ginawa ko na. Pero hindi e, wala akong magawa."
"Tahan na, Ate. Kung ano man yun, baka talagang wala na tayong magagawa." aniko para mapagaan ang loob niya.
"Third, wala na ang daddy ni Win." naramdaman ko ang panginginig ng boses niya. Nabalitaan kong nasa ospital ang daddy niya at hanggang doon na lang nalalaman ko. Wala na akong ibang impormasyon tungkol doon. Dahil hindi naman kami magkasundo ni Win, hindi ako yung taong sobrang malulungkot na sa punto ay iiyak ako tulad ng ginagawa ng ate ko ngayon. Bakit? Bakit siya umiiyak ng ganito? Kapamilya ba naman siya? Kaibigan na niya ba siya? Ano ang meron? Bakit parang iisa na lang ang nararamdaman nila ni Win? Iisang damdamin.
Niyakap ko siya dahil sa mas bumuhos niyang mga luha. Marami akong gustong itanong sa kanya pero mukhang hindi ito ang tamang oras. Mabigat ang damdamin niya ngayon at kung mananaliksik ako tungkol sa kanila ni Win ay baka masaktan ko siya ng di oras. Gusto ko na lang isipin na naaawa siya sa kanya.
"Magpahinga ka na muna, Ate. Magdadala na lang ako ng hapunan sa kwarto mo. Nakakain na kami nina Papa at Mama."
Tumango siya bago tumayo papunta sa taas. Pero bago siya tumuloy, muli siyang bumaling sa akin. "Pupunta kami sa lamay bukas ng hapon. Sumama ka sa amin, Third." Umiling ako sa sinabi niya. "Third,"
"Ate, hindi ako sasama. Baka magkagulo pa dun. Alam mo naman yun." aniko. Sa buong panahon na nakilala ko si Win. Alam kong hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Lalo na kung tungkol ito sa kanyang pamilya. "Mabuti na kayo na lang."
"Third, masyadong mabigat ang dinadala niya ngayon. Kung ano mang iniisip mo," umiling siya. "Hindi niya magagawa iyon. Lalo na sa lamay ng daddy niya. Malay mo ito na ang oras para makapagmove on siya. Para makalimutan ang lahat ng masasamang nangyari noon, kay Nina."
Yun. Sinabi na niya. Pati ba naman siya? "Sinisisi mo rin ba ako sa pagkamatay ng kapatid ni Win?"
"Hindi ganun, Third. Sinasabi ko na baka ito na ang panahon para mapatawad niyo nag isa't isa. Ito na ang oras par-"
"Wala akong ginawang masama, Ate. Sa tingin mo ba ginusto ko yun? Hindi ko alam na may sakit siya. Hindi ko naman ginusto na mahulog ang loob niya sa akin. Bakit naging kasalanan ko?"
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...