Chapter 19 // Kaba

655 29 3
                                    

Thank you po sa mga nagbabasa! Love you guys! Para sa inyo ito.

-----

Chapter 19
Kaba

[ Quina's POV ]

"Kung yan ang gusto mo sige.." narinig kong sambit ni Franco. Kanina pa akong nakikinig sa usapan nila ni Reina. Hindi naman ako ganito. Hindi ako chismosa. Makakasalubong ko dapat sila dahil papunta akong library. Ayokong mangyari iyon kaya nagtago ako sa may gilid. "Pero.."

"Okay lang.. Ano, mamaya na lang? Sasabihin ko kay Quina na magintay siya sa lounge para makapagusap kayo."

Pinaliit ko ang singkit kong mga mata habang sumisilip. Ako ang pinaguusapan nila. Inayos ko pa ang buhok sa aking tenga. Gusto kong marinig ng maliwanag ang sasabihin nila.

"Parang nahihiya ata ako. Wag na lang kaya." ani Franco.

"Ano ka ba! Mabait naman yun!" ani Reina. "At akala ko ba, gusto mo talaga siya."

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Matinding kaba ang naramdaman ako. Ano ba yong sinasabi ng kaibigan ko? Hindi naman sigurado kung gusto talaga ako ng lalaking iyan.

"Oo, gusto ko siya kaya nga natatakot ako dahil baka mas lalo siyang lumayo."

Nang marinig ko iyon, tumulak na ako papunta sa room namin. Mabilis ang lakad ko. Hindi ko pinapansin ang mga tao sa aking paligid. Nakarating ako sa floor namin at marami ng tao. Umiiwas ako sa kanila.

Gusto niya ko? Imposible naman ata. Sikat siya at gwapo. Maraming nagkakagusto at naghahabol sa kanyang mga babae. Samantalang ako, kabaliktaran niya.

"Quina, ano ba!" narinig kong sigaw ni Ylena. Hinawakan niya ang braso ko at hinila niya ako. "Kanina pa kitang tinatawag a? Bakit di mo ko pinapansin?" iritable niyang sabi.

"Sorry, di kita narinig." sagot ko.

"Oo nga. Mukhang wala ka sa sarili mo!" humalukipkip siya at umirap pa sa akin.

"Sorry talaga, iniisip ko kasi ang quiz natin kanina." palusot ko. Ngumuso siya.

"Where's Reina?"

"Ewan ko. Hindi ko nakita." pagsisinungaling ko.

Humawak siya sa kanyang ulo. Waring sumakit iyon. "Hindi ko alam ang gagawin ko sa inyo! Tara na nga pasok na tayo." aniya at sumunod ako sa kanya papasok ng classroom namin. Sinungitan niya ako hanggang sa makaupo kami sa aming silya.

Konting minuto na lang ay magtatime na ngunit wala pa rin si Reina. Magkasama pa rin kaya sila ni Franco? Siguro..

Agad bumalik sa akin ang alaala ng makita ko silang lumabas ng storage room. Ano ang ginagawa nila doon? Nakaramdam ako ng konting pagkainis sa aking sarili. Galit sa nangyari. Hindi ko dapat iyon nararamdaman dahil wala naman akong karapatan.

Maya maya ay dumating si Reina. Agad siyang sinalubong ni Ylena at pinagsabihan.

"Where have you been? Iniwan mo na naman kami! Ikaw ha. Nakakarami ka na samin. May tinatago ka ba?" Napansin kong bahagyang kumunot ang noo ni Reina.

"Nagpunta lang ako sa library. Nakatulog ako roon." sagot ni Reina. Agad ngumiwi si Ylena at bumaling sa akin. Napatalon ako sa gulat.

"Quina, nakita mo ba si Reina sa library?" tanong niya sa akin. Alam kasi niyang nagpunta ako sa library. Sinilip ko muna si Reina. Matinding kaba ang nakita ko sa kanyang mukha. Animo'y sinasabi niya na tulungan ko siya.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon