Chapter 12
Rooftop[ Third's POV ]
Tumingin ako sa may bintana dahil may umilaw sa labas ng bahay namin. Marahil ay may tao. Tumayo ako sa upuan at nagpunta sa bintana. Hinawi ko ang kurtina. Nakita kong bumababa si ate mula sa isang sasakyan. Doon pa lang alam ko na kung kanino iyo. Sasakyan iyon ni Win. Hindi ako pwedeng magkamali.
Kumunot ang noo ko. Dali dali akong tumakbo sa baba para salubungin si ate. Hindi nagtagal ay binuksan niya ang pinto. Napansin kong nagulat siya dahil nasa harap ako ng pinto.
"Saan ka nagpunta, ate?" tanong ko. Nagtaas siya ng isang kilay bago isinara ang pinto.
"NagSM lang. Kasama ko sina Ylena. Bakit? May problema ba? Andyan na ba sina Mama?" Napailing ako at mas sinuri ko ang mata niya. Hindi ko sigurado kung totoo ang sinasabi niya. Kung totoo man, bakit naman si Win ang maghahatid sa kanya? "Asan sila Mama?"
"Wala pa sila. Baka daw 8pm pa makakauwi. Sabi nila kumain ka daw sa labas kaya kumain na ko kanina pa.." Hindi talaga ako masyado interesado sa mga ginagawa ni ate. Pero napapaisip talaga ako kung anong namamagitan sa kanila ni Win. "Tapatin mo nga ako, ate.. May namamagitan ba sa inyo ni Win? Kayo na ba?" seryoso kong tanong. Tumawa agad. Maya maya ay tumigil din agad.
"Baliw ka na ba? Wala!! Ano ba yang lumalabas sa bibig mo. Magtoothbrush ka nga." inamoy ko agad ang hininga ko. Kumunot ang noo ko. Wala naman amoy. Nagtoothbrush na ko kaya mabango naman. "Pati pangalan ng germs lumalabas na sa bibig mo." bulong niya. Doon ko lang napagtanto na pinagtritripan lang ako ni ate. Pangalan ni Win ang tinutukoy niya.
"Dalawang beses ka na niyang hinahatid sa bahay. Wag mong sabihing wala lang iyon." Gusto kong malaman kung bakit. Kapatid ko siya. Kung may masamang ginagawa si Win sa kanya gusto kong malaman. Kasi, sa akin naman talaga siya may galit. Ayokong madamay ang ibang tao lalong lalo na ang ate ko.
"Hay naku. Wala nga! Napagod ako. Iidlip muna ko bago magaral." pagpapaalam niya. Nagsimula siyang maglakad kaso pinigilan ko siya.
"Ate, wag mong sabihing.." nanlaki ang mga mata ko sa mga iniisip ko. Matamlay siyang bumaling sa akin. Mukhang ayaw na niya kong pakingga. "..nagpapaalipin ka kay Win para hindi na niya ako bullyhin? Ate naman, sabi ko namang hindi mo na kailangang gawin yun. Wag ka ng makialam. Alam ko ang pagkakamali ko. Alam ko ang dapat kong gawin. Dapat kong pagbayaran ang mga nagawa ko sa kanya. Kaya ko namang protektahan ang sari-" naputol ang sinasabi ko dahil tinakpan ni ate ang bibig ko. Pumikit siya ng mariin na para bang nabibingi na.
"Ano bang pagpapaalipin ang sinasabi mo, Third? Tigil tigilan mo nga ako. Hinding hindi ako magpapaalipin sa isang yun. Tsk! Mukha pa lang, ang sarap iuntog sa pader. Hinding hindi ko hahayaan na gawin niya iyon sa akin lalong lalo na sayo!" pagtatama niya. Kinumpas kumpas niya ang kanyang kamay waring tinataboy na ako. "Sige na. Sige na. Iidlip muna ako. Magaral ka na."
Hindi na ko nakapagsalita dahil pumasok na si ate sa kanyang kwarto. Ako rin sa akin.
Kahit buong magdamag akong nakatunganga sa notebook ko, wala pa ring pumapasok sa isip ko. Sa totoo ay kanina ko pang iniisip si ate. Para sa akin ay hindi magandang mapalapit siya kay Win. Parati kong naiisip na palagi siyang may masamang balak sa kapatid ko. Baka idamay pa niya ang ate ko dahil sa galit sa akin.
Pumasok ako sa school ng lumilipad pa rin ang isip. Buti nga walang presentation ngayon kaya okay lang na hindi makinig. Puro mga group activities lang.
"Siguro, mas maganda kung magassign tayo ng question sa bawat isa. Kanya kanyang research tapos bukas iexplain na lang na lang yung answer sa kada questions. Broad kasi ang topic. Mahirap kung lahat hahanapin natin isa isa. Kulang sa time." pagpapaliwanag ni Marie. Bumaling siya sa akin. "Okay lang kaya iyon, Third?"
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Novela Juvenil[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...