Chapter 26 // Martial

396 15 0
                                    

Chapter 26
Martial

[ Reina's POV ]

Umalis na ang sasakyan nina Win ngunit nanatili kaming nakatayo doon sa parking lot. Waring hindi pa rin kami nakakamove on.

"Ano, guys? Tara na? Magta time na rin." anyaya ni Vincent. Tumango na lang ang lahat. Sumunod naman agad ang pagtunog ng bell, signal na 1pm na. Time na nga talaga. 5 minutes pa ang kailangan namin upang makarating ng building.

Dumiretso agad kami sa mga classrooms namin dahil siguradong ilang minuto ay darating na rin nag mga kanya kanya naming teachers. Sa pagupo ko ng silya, doon ko lang naramdaman ang gutom ko. Hindi nga pala ako nakapaglunch dahil sa mga nangyari. Oo, nalulungkot ako dahil sa pagalis ni Win. Pero gusto ko na lang maging masaya para sa kanya dahil iyon ang desisyon niya.

"Hay. Wala akong isasagot sa quiz." reklamo ni Ylena. Humalumbaba siya sa kanyang desk. Nakita kong abalang abala ang mga kaklase namin sa pagrereview.

"May quiz nga pala!" ani ko.

"Oo. Kaya magaral na tayo. Ito si Quina, aral na aral na." puna ni Ylena sabay nguso sa may hawak na notebook na si Quina. Seryosong seryoso na nakaupo sa may harap.

"Buti pa siya. Ugh! Ako na naman tatawagin ni Sir." reklamo ko. Ako kasi talaga ang nakikita niya. Kahit wala ako, ako pa rin ang hinahanap niya.

"Oo, favorite ka nun e." pangaasar pa ni Ylena. Pareho naming kinuha ang mga notes namin sa bag ng biglang dumating si Sir.

"Okay! Number 1.." paninimula niya. Lahat kami nag-ungutan dahil sa sinabi niya. Ni wala pa kasi kaming papel tapos number 1 agad. Agad agad, pagpasok pa lang niya ng room. "Sige, I'll give you 5 minutes to review pero dapat perfect niya nag quiz ko."

"Dapat madali lang, Sir."

"Dapat nagaral kayo." sagot naman ni sir.

Natapos ang quiz at mukhang bibingo na ang score ko. Hindi natapos ang isang oras ng hindi ako natatawag ng teacher namin. Buti madaling tanong lang ang napunta sa akin kaya nae explain ko ng maayos. Dalawang subject pa ang dumaan at hindi ko namalayan ang oras dahil mga group activities lang ang ginawa.

Dahil wala rin masyadong ginawa, hindi ko maiwasang hindi maisip si Win. Hindi ko maisip na hindi ko na siya madalas makikita dito sa school. Nakakalungkot. Teka, naayos na ba niya ang mga papeles na kailangan para sa paglipat niya sa ibang school? Siguro naman ano? O baka tinulungan siyang ng tita niya.

Taga saan nga yung mga kamaganak niya? Ilocos ba? Nieva Ecija? Hindi ko maalala, basta somewhere north ang alam ko. At ang layo. 8-10 hours ba ang byahe papunta dun by land?

"Don't forget to pass your activity early in the morning. Class dismissed."

"Thank you, Miss Yassy." ani ng mga kaklase.

Agad silang tumayo para magpaalam sa teacher namin. Nagayos rin ng mga gamit para makauwi na.

Tumayo naman sa harap yung president naman para paalalahanan kami sa mangyayari bukas, "Guys, pasubmit ng activities niyo on or before 7am tomorrow. I need to pass it early to Miss Yassy."

"Okay." sagot ng iba.

"May magagawa ba kami?" bulong naman ng pasaway kong kaklase. Bumaling pa siya sa akin at naglabas ng dila. Siguro dahil napansin niya na nakatingin ako sa kanya. Sa halip mainis, natawa na lang ako. Nagtaas siya ng kilay at mukhang naguluhan sa naging reaksyon ko. "Ewan ko sayo."

Sabay sabay kaming lumabas nina Ylena at Quina papunta sa student's lounge. Doon kasi susunduin si Ylena. Nagpaalam si Ylena nang dumating ang Kuya niya. Si Quina naman ay nagpaalam para pumuntang library, may isasauli daw kasi siyang libro.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon