Chapter 10 // Raffy

688 36 10
                                    

Chapter 10
Raffy

[ Win's POV ]

Nagbow ako kay coach at nagbow din sa aking kalaban. Huminga ako ng malalim bago ipinosisyon ang aking sarili.

"Fight!" sigaw ng coach namin sabay hampas sa mat.

Seryoso ako ngunit agad napalitan ng isang malaking ngisi. Iba ang araw na ito. Kumpara sa normal na araw, bago ang kalaban ko ngayon. Pero kahit ganun, alam kong madali kong  maipapanalo ang laban na ito.

Hindi pa rin siya umaatake. Hindi ko alam kung sinusuri niya ang galaw ko o naghihintay ng gagawin kong atake.

Ilang minuto lang, sigurado akong nakahiga na siya sa mat. Pero hindi ko gagawin iyon. Papatagalin ko muna ang isang to. Gusto kong magenjoy.

Kumunot ang noo ng kalaban ko.
"Bring it on, Win! Come on!" paghahamon niya at inilabas pa ang mapangasar na ngiti. Nagsmirk lang ako. Ito ang gusto ko sa kanya. Palaban.

"Come on, Raffy. Try me." paghahamon ko.

"Don't go easy on me, Win. You know I don't like when you do that." ani Raffy bago sumugod sa akin.

Hinawakan niya ang belt ko at ganun din ako sa kanya. Sinubukan niyang kawitin ang paa ko ngunit iniwas ko ito. Gusto niya akong itumba.

"You got stronger, huh?" aniko habang hawak hawak ang kanyang belt. Inilapit ko ang aking ulo sa may buhok niya. "Ang bango ng buhok mo." sabi ko ngunit siniko lang niya ako. Tapos lumayo ulit. Tumawa ako.

Warm up pa lang to pero mukhang ginaganahan ako ng husto.

Umatake ulit siya pero nahawakan ko ang kamay niya. Ngumisi ako at inikot ko siya para maikulong sa aking braso.

"Mas gumanda ka, Raffy. Got a new boyfriend?" biro ko.

"Tss. Don't be distracted, Win." aniya at nagula ako ng nakita ang ngisi niya. "You're off guard, Dumb*ss!"

Hawak na niya ang collar ko at naitaob niya ako. Narinig ko ang muling pagpalo ni Coach sa mat hudyat na tapos na ang laban.

"What was that, Win? Nagpatalo ka talaga kay Raffy? Dahil ayaw mong makasakit ng babae?" sinugod agad ako ni Pierre nang makalabas ako sa mat.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. "Ah. You know my rules, Pierre."

"Does that rule apply here too? Bahala ka. Masesermonan ka na naman ni Coach!" aniya at iniwan na lang ako.

"Never mind my rules. Basta nagenjoy ako." hindi naman sa nagpatalo ako. Natuwa lang siguro ako kaya hindi kao nakapaglaro ng ayos.

Naabutan ng mata ko ang paalis na si Raffy. Nakita ko rin na palapit si Coach sa akin. Kinuha ko agad ang bag ko at hinabol ko si Raffy bago pa ako maabutan ni Coach.

"Raffy!" tawag ko. Agad siyang lumingon pero hindi siya tumigil at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Are you mad at me?"

"Wag mo kong kausapin." aniya ng maabutan ko siya. Mas binilisan niya ang lakad niya at mukhang iniiwasan niya ko. Ngumisi lang ako at sinundan lang siya.

"I brought my car. Gusto mo sumabay? Ihahatid na kita." pagaalok ko ngunit hindi siya sumagot. Nagpatuloy siya sa paglalakad na parang hindi narinig ang mga sinabi ko. "Uulan mamaya. Aabutan ka ng ulan kapag nilakad mo ito hanggang sa sakayan ng jeep."

Maya maya ay nagsimula ng pumatak ang ulan. Agad akong sumakay sa sasakyan ko para sundan si Raffy.

Nang masundan ko siya, medyo lumalakas na ang ulan.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon