Chapter 9
Win[ Reina's POV ]
"Nakakabwiset talaga ang lalaking yun! Tama bang ihuho ang mga laman ng bag ni Third doon sa canteen? Magtatatime na nun, girls ha! Nilimot pa namin isa isa. Naku talaga! Kaya ako nalate at napagalitan ni Ma'am Divine. Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Third baka naubos na ngayon ang buhok ng lecheng lalaking iyon!" halos umusok ang tenga ko sa sobrang inis.
"Hay naku, Reina. Maawa ka naman sa amin ni Quina. Kanina ka pang umagang ganyan. Yan at yan ang sinasabi mo hanggang ngayon. Bingingbingi na kami. Trust me. Para ka ng sirang plaka." nagreklamo si Ylena.
"Mas okay na ang maging sirang plaka, kaysa ang ugali ang masira. Naku, talaga!"
"Hayaan mo na. May bukas pa. Makakaganti ka pa." dagdag pa ni Ylena.
"Ah, Reina, Ylena, andyan na ang sundo ko. See you tomorrow. Yung project wag niyo kalimutan. Bye!" pagpapaalam ni Quina.
"Alis na rin ako. Baka nandiyan na yung mommy ko. May pupuntahan pa kami. Ayoko ngang sumama dahil sa project pero wala.. No choice." nagpaalam na rin si Ylena.
Umupo ako sa may bench sa labas ng lounge. Tiningnan ko ang relo ko. Siguro mamaya ay darating na din ang kapatid ko.
Sabi kasi ni Mama magsabay daw kaming magbyahe pauwi. Kasi may cast ang kamay ko. Nagaalala sila, na baka kung anong mangyari sa akin.
"Reina!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Parang gumuho ang mundo ko.
Tiningnan ko ang lalaki. Hindi nga ako nagkamali. Ito ang walangyang ex ko. Si Gabriel. Anong ginagawa nito dito? At paano niya nalaman na nandito ako.
"Tama nga ang sinabi ni Isabel. Dito nga kita makikita." aniya.
Si Isabel, kaibigan ko. Tulad niya, college na rin itong si Gabriel. Kakagraduate lang nila last year. Hindi ko alam kung san siya nagaaral ngayon at kung anong kurso ang kinuha niya. Wala na kong pakialam.
"Anong ginagawa mo dito?" iritadong tanong ko.
"Gusto kitang makausap. Reina.."
"Gabriel, wala na tayong dapat pagusapan." madiin kong sabi. Kinuha ko ang mga gamit ko at tinalikuran na siya.
Hinawakan agad niya ang braso ko. Hinawi ko yun. "Patawarin mo na ko. Please wag mong sisihin si Faye sa nangyari sati-"
Naputol ang sinasabi niya dahil sa isang sampal na aking pinalipad. Galit na galit ako sa kanya. Kahit anong pagpipigil na gawin ko, hinding hindi maaalis ang galit ko. Nangingibabaw talaga ito lalo na kapag nakikita ko ang mukha niya.
"Ang lakas rin ng loob mong pumunta rito para humingi ng sorry. Kahit anong gawin mo, hindi kita mapapatawad. Kahit lumuhod ka pa diyan o manigas pa diyan, walang mangyayari. Sinaktan mo ko, Gabriel! Minahal kita pero sinaktan mo ko!"
May kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Parang sinasaksak ako ng paulit ulit. Pero kahit anong sakit ang maramdaman ko dito sa puso ko, hinding hindi ko iyon ipapakita sa iba. Ayokong maging mahina.
"Minahal kita, Reina."
Sinampal ko ulit siya ng isa pa. Hindi siya gumalaw matapos ang ginawa. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Hindi mo ko tunay na minahal, Gabriel, pinaglaruan mo lang ako!" naging matigas ako kahit konting konti na lang ay tutulo na ang mga luha ko. Pinigilan ko ito. "Wag ka ng magpapakita sakin! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Kinamumuhian kita!" sigaw ko sabay alis.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Fiksi Remaja[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...