Chapter 29
Weak inside[ Earth's POV ]
"WTF!" sigaw ko ng marinig ang balita ni mommy.
"Your mouth, Earth." Saway niya.
"Sorry, mom. Nabigla lang ako. Malapit na ko sa binigay mong address. Kaso mukhang sa ospital na ko didiretso. Pasend na lang po kung saang ospital ako pupunta.. And also the contact details of his tita na din. Just in case."
"Okay. Do you have a place to stay? I can book yo-"
"Mom!" Pigil ko sa kanya. "I'm okay." Aniko. Kulang na lang sabihin ko na naman sa kanya na malaki na ko. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi niya na kailangang ayusin ang lahat para sa akin. Hindi na ko bata tulad ng dati. Pero hindi ko na tinuloy kasi baka magaway na naman kami.
Dala ko lang ang duffle bag ko at pumara na ulit ng taxi. Sinabi ko ang pupuntahan ko at tumango naman agad ang driver. Medyo nahirapan pa akong sumakay dahil madaling araw na. Alas una na ng umaga at ngayon lang ako nakarating dito sa probinsya nila. Buti na lang nagplano ako ng mas maaga na pumunta dito dahil sampung oras ang itinagal ng byahe.
Ilang araw na kasing hindi nagrereply si Win sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot. Pupunta sana ako dito para bisitahin lang siya at tingnan kung okay siya. Ngayon napagalaman ko namang hindi siya okay. Hindi siya naging okay. Ang alam ko critical ang lagay niya. Wala akong magawa kundi ang huminga ng malalim at magdasal na sana maging okay na siya.
Nakarating agad ako sa ospital at ang unang nurse na nakita ko ang aking pinagtanungan.
"Where's the emergency room?"
Ngumiti siya sa akin. "A-hh, sir. Diretso lang po tapos kaliwa kayo. Pero wag po kayong mangangaliwa." Sagot niya. Tumango ako sa direksyon at binaliwala ang iba.
"Okay. Thanks."
Naabutan kong nakatayo ang Tito Marselo niya at ang buong pamilya nito at ang Tita Juanita niya, ang asawa nito at sa tingin ko ay anak nila ang isa pang lalaki.
"Kumusta na daw po?" Pauna kong sabi.
"He's still in the OR, hijo. Hindi pa lumalabas ang doctor mula kanina nung sinalinan siya ng dugo." Ani Tito Marselo. Tumango ako sa sinabi niya.
"Sana okay lang siya." Naiiyak na sabi ni Tita Suzaine. Agad naman siyang pinakalma ng kanyang asawa.
Si Yasser ay nakatayo lang katabi ng anak ng Tita Juanita niya. Seryoso silang naguusap samantalang si Zeke ay abalang abala habang hawak ang cellphone at mukhang may ka text.
Lumapit sa akin si Yasser at tinapik ang likod ko. Gumilid kami para makapag usap.
"Ano oras pa kayo dito? Bakit ang bilis niyo nakarating?" Yun ang kanina ko pang pinagtataka. It took me 10 hours to get here. At talagang nakaplano ang pagpunta ko dito. I don't think they did the same.
"Kanina lang 12 midnight. We travel by air, Earth. We took almost 4 hours." That easy. "Gusto ng mommy kong makarating agad dito."
Umalingawngaw ang iyak ng Tita Juanita ni Win. "Ako ang may kasalanan nito." Agad din naman siyang inalo ng kanyang asawa pero patuloy pa rin ang iyak nito. Narinig ko na rin na dahil dun mas naiyak pa si Tita Suzaine.
"Nakita daw nila si Win na wala ng malay at ang blade na ginamit niya." Paninimula ni Yasser. Konting impormasyon lang ang narinig ko kay mommy kasi hindi rin kami nakapagusap ng matagal. Ang mga impormasyong ito lang ang mga gusto kong malaman ngayon. Buti hindi ko na kinailangan itanong pq sa kanya. "Maraming dugo daw ang nawala kaya sinalinan siya ng 4 units ng whole blood."
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...