Chapter 17 // Stockroom

672 35 2
                                    

Chapter 17
Stockroom

[ Franco's POV ]

"Uy, Quina! Napatawag ka?.. Huh? Si Win?" bahagya akong nagtaas ng kilay at bumaling sa kaibigan kong wala sa sarili. Ni hindi siya lumingon sa akin ng banggitin ko ang kanyang pangalan. Nakatuon ang kanyang pansin sa bote ng alak na kanyang iniinom. Ilang araw na siyang naglalasing. Siguro dahil sa nangyari.

Sinulyapan ako ni Yasser. Umiling siya at may isignal sa akin. Tumango agad ako. Alam ko ang gusto niyang iparating. Kasi kapag nagtatanong ang mga guro kung nasaan si Win, iyon ang parati naming sinasabi para hindi nila tawagan ang daddy niya.

"Hindi. Hindi siya nagdrop. May pinuntahan lang sila ng daddy niya.. Oo, absent lang siya. Di ko alam kung kelan ang balik. Ah. Okay. Sige.. No problem. Lagi mo lang ako tawagan. Kahit araw araw. Haha. Okay lang. Sige. Bye."

Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi pero agaran iyong nawala ng ibaba ko ang tawag. Napaupo na lang sa sofa. Nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kung dahil sa kilig o sa takot. Pumikit ako ng mariin.

"Tingnan niyo! Nagsinungaling pa ko kay Quina!" sumbat ko. Napatingin si Vincent at Brandon sa akin. Si Yasser ay walang pakialam. At mas lalo naman itong si Win. Bahagya akong lumapit kay Win. Kaharap ko lang ang kanyang inuupuan. Nasa pagitan namin ang isang lamesa na punong puno ng boteng wala ng laman. Siya lahat ang umubos. "Pre, ano bang nangyayari sayo? Galit ka ba sa mundo? Men, please wag mo kong idamay."

Hindi niya ako pinansin. Humiga ako sa sofa. Hawak hawak ko pa rin ang cellphone ko.

"Yasser, nagaway ba sila ng daddy niya?" tanong ni Brandon. Mukha kasing sobrang laki ng problema niya. Hindi kasi sila nagaaway ng daddy niya. At ngayon, ngayon lang siya naglasing ng ganyan. Sumagi rin sa isip ko na baka nagaway sila ng daddy niya dahil sa ginagawa niya ngayon.

Umiling lang si Yasser.

"E, ni Raffy?" galing naman kay Vincent. Umiling ulit siya.

"Edi, baka si Reina.." sambit ko. Napansin kong nagangat ng tingin sa akin si Win. Bull's-eye! Sabi ko na! Kakatawag lang kasi sa akin ni Quina, pinatatanong daw ni Reina kung ano ang nangyari kay Win. Hindi naman siya magtatanong kung wala lang. Baka may something sa kanila. Kaya eto, nadepress ang loko ng sampalin siya ni Reina. Trust me, bro, I know the feeling.

"Alam niyo, hayaan na muna natin si Win. I think he needs more time." ani Yasser.

"Time.. Yeah. Kailangan niya ng time hindi alak!" angal ko. Nagiwas ng tingin si Win. Muli niyang ibinalik ang titig sa bote.

Biglang nagvibrate ang cellphone ni Win sa lamesa. Lahat kami ay napabaling doon. Nakita ko pa na ang daddy niya ang tumatawag. Kumuyom ang panga ko. Patay kami nito!

Dinampot iyon ni Yasser at sinagot ang tawag. Matinding kaba ang dumapo sa akin.

"Hello, tito! Si Yasser po ito.. Opo. Naiwan po kasi ni Win ang cellphone niya.. Opo, baka po mamaya daanan niya dito.. Opo.. Opo.. Sige po. Sasabihin ko. Sige po.. Okay po. Ingat po kayo." kalmadong sagot ni Yasser.

Parehong nakakanganga ang bibig naman ni Vincent habang sinasagot niya ang tawag. Humalakhak pa si Brandon ng mapansin niya ang paghanga namin kay Yasser.

"Tapos na mga bro." ani Brandon. Ngumiwi lang ako sa kanya. "Ibang klase talaga tong si Yasser."

"Sinabi mo pa." dagdag na Vincent.

"Win, papunta daw ng Davao ang daddy mo. Five days daw siya dun. Sa amin ka na daw muna." sabi ni Yasser sa di kumikibong si Win. Feeling ko, lumabas lang sa kabilang tenga ang lahat ng sinabi niya. Sa lahat ng ginawa ni Yasser para sa kanya. Yan lang ang igaganti niya. Umiling na ako.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon