Chapter 25 // Empty

424 21 0
                                    

Chapter 25
Empty

[ Win's POV ]

Nasilaw ako sa liwanag na sumilip sa bintana dahil sa bahagyang pagagos ng kurtina. Andito ako ngayon sa kwarto ko. Bumangon ako at sakto naman ang katok na narinig ko sa pinto.

"Win, gising ka na ba?" tanong ng pinsan kong si Earth. Agad kong binuksan ang pinto para salubungin siya.

"Gising na ko."

"Mabuti naman. Kumain ka na sa baba. Marami na ring tao." anito. Tumango lang ako. "Sige. Bumaba ka na rin agad."

Isinarado ko ang pinto at doon ko lang napagtanto ang mga magaganap ngayong araw. Ngayon ang huling araw ni Daddy dito sa bahay. May konting kirot na tumusok sa aking puso. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring itanong sa Diyos, bakit si Daddy pa? Bakit sa akin pa nangyari to? Bakit ako pa ang naiwan? Hindi ba ako naging mabuting anak?

Halos umusok na ang tubig sa shower dahil sa temperature na inilagay ko. Halos mamula na rin ang balat ko dahil sa init nito. Mainit ito ngunit parang wala akong nararamdaman. Parang namamanhid ang buo kong katawan.

Pinatay ko na ang shower at lumabas na ng CR. Nakita ko ang isang puti at isang itim na polo sa aking cabinet. Kagabi ko pa ito inayos. Hindi ako mahilig sa puti pero ito ang isusuot ko ngayon. Paboritong kulay ito ni Daddy. Para daw malinis tingnan.

Hindi nagtagal ay bumaba na ako para kumain at para makatulong sa pagaayos ng gamit sa baba. Namataan ko si Yasser, Zeke at Raffy na nakaupo sa may sala. Maaga sila at ako ay tinanghali na. Siguro dahil 6am na ako natulog dahil gusto kong samahan si Daddy sa huling sandali. Ngunit pinatulog pa rin ako ng mga tita ko dahil hindi daw pwedeng hindi ako magpahinga. Ngayon ay mga 9am na. Mamayang 10am ang alis dito sa bahay. Halos dalawang oras lang ang tulog ko pero okay lang.

Agad kong nilapitan ang tatlo. "Kumain na kayo?" tanong ko.

"Oo, Win. Kumain na kami. Kumain ka na." ani Raffy. Tumango lang ako.

Hindi rin ako nakakain ng ayos. Pinilit ko lang ang sarili ko. Gusto ko na lang tapusin ang pagkain para mapuntahan ko na si Daddy. Ilang saglit na lang kasi iiwan na niya talaga ako. Pero feeling ko excited na siya dahil magkikita na sila ni Mommy at Nina.

Marami pang tao ang dumating. Andito na ang mga kaibigan kong sina Franco, Brandon at Vincent. Nakita ko rin sina Quina, Ylena, Third at Reina. Lumapit sila sa akin kanina pero hindi naging matagal ang paguusap namin. Dumating rin kasi ang iba naming kamaganak galing sa probinsya.

Nakaayos na ang lahat. Nakalagay na ang kabaong sa karo at ang mga kamaganak namin ay nagsipuntahan na sa likod nito. Nagsimula ang isang musika kasabay ang pagandar ng karo. Ang hirap isipin na mabilis ang mga naging araw at ngayon ko na lang huling masisilayan si daddy. Ngayon na lang ang huling araw na makakasama ko siya.

Ang sakit. Ang sakit na maiwan ng mga taong mahal mo. Gusto kong umiyak pero wala ng luhang lumabas sa mga mata ko. Naubos na ang mga ito. Pero hindi dapat ako malungkot dahil hindi naman nila ko talaga iniwan. Alam kong andito pa rin sila para protektahan at gabayan ako. At alam kong dapat hindi ako malungkot dahil baka magalala sila sa akin. Ayoko namang problemahin pa nila ako.

Naramdaman ko ang kamay na kamapit sa aking braso. Bumaling ako kay Raffy na ngayon ay humihikbi na sa tabi ko. Inabot ko sa kanya ang aking puting panyo. Ngumiti ako sa kanya bago hinawakan ang kanyang kamay. I'm home yet I fell so alone. Why do I feel this way, Raffy? Maraming taong handang dumamay sa akin pero parang magisa lang ako. O gusto kong mapagisa?

Nakatayo na ako sa harap ng puntod nina Daddy at Mommy ngayon. Mahaba ang nilakad namin pero hindi ko iyon naramdaman. Hindi ko namalayan na natapos agad iyon. Tapos na ang libing kaya karamihan ng tao ay umalis na. Ako na lang ang nagiisang tao dito sa tapat nila. So, this is me saying goodbye. Right, Dad? Right, Mom? Right, Nina?

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon