Hidden Chapter 1 // Kuya

461 15 0
                                    

Dear Kuya Win,

Salamat po, Kuya, sa lahat. Lagi kang andiyan para sa akin. Lagi mo akong ipinagtatanggol. Lagi mo akong inaalala kung nakakain na ko. Lagi mo kong tinutulungan sa assignments ko. Higit sa lahat, lagi ko mo kong pinapangiti tuwing malungkot ako. Napaka swerte ko, Kuya. Ang swerte ko kasi lagi kang nasa tabi ko. Hindi mo ko iniwan. Lalo na ngayon, dito sa ospital. Kahit alam kong pagod ka galing sa school. Kahit hindi ka na nakakalabas kasama ng friends mo. Andito ka pa rin. Sana hindi ka magsawa na alagaan ako kahit ganito ako palagi, yung sakitin na Nina. :'(

Pero may secret ako, Kuya. Kaso satin lang to. Wala kasi akong ibang mapagsabihan e. Sayo lang. Wag mong sasabihin kay daddy a? Promise? Pinky swear? :)

Kasi ang totoo, Kuya, nahihirapan na ko. Ayokong sumuko pero parang may mabigat dito sa dibdib ko. Feeling ko parang ilang araw na lang titigil na ang tibok ng puso ko. Natatakot ako, Kuya. Natatakot ako na baka hindi na ko magising isang araw. Natatakot akong iwan kayo ni Daddy. Kaso hindi ko na po alam ang gagawin ko. Sayo ko lang to sasabihin, Kuya, sana hindi ka magalit. Wag na lang natin sabihin kay daddy kasi marami na siyang problema sa kompanya, ayoko namang dumagdag pa sa kanya. Ayokong dumagdag pa sa alalahanin niya, Kuya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano na ba dapat kong gawin, Kuya? Kaya ko pa kayang lumaban? O baka kukunin na ko ni Lord? Kaso ayoko ko pa rin. Ayoko pang umalis. :'(

Love,
Nina

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon