Chapter 1
Third[ Reina's POV ]
Umagang umaga ay uminit agad ang ulo dahil sa mga maiingay na estudyante sa may corridor. Maaga pa at wala pa ang kanya kanyang adviser kaya lahat sila ay nakatambay dito sa labas.
Napailing ako. Hindi ko sigurado kung private ba o public ang aking napasukan. Sa pagkakaalalam ko ay sa private ako nag enroll. Parang mas malala pa itong kaguluhan dito kaysa sa public. Mukhang hindi matitino ang tao dito. Animo'y may mga sapi.
"Aray!" aniko ng maitulak ako ng kung sinong nagtatakbuhan sa corridor. Hindi man lang ito nagsorry. "Oy, magingat naman o! Baka makadisgrasya kayo diyan!" Pahabol kong sigaw sa lalaki pero di niya inaksaya ang kanyang oras para lingunin ako. Inikot ko na lang ang aking mata.
"Ayos ka lang?" tanong ni Dalyn, kaklase ko at president namin. "Wag mo na silang pansinin. Di sila makikinig sayo. Gago kasi talaga ang mga yun." dagdag pa niya habang isinasara ang kanyang locker. Lumihig siya sa may pader at inintay akong makatapos sa aking locker. Maganda siya. Siya dapat ang pambato namin sa Muse pero tumanggi siya sa hindi namin alam na dahilan. Siguro dahil busy na ang pagiging president.
Sabay kaming pumasok sa classroom namin at nakahinga ako ng malalim.
"Nakakainis talaga." untag ko. Umupo ako sa silya ko at ganun din si Dalyn. "Para tuloy gusto kong tumakbong Student martial para magpromote ng peace and order." biro ko pa. Nagtawanan kami pareho. At nagsimulang magkwentuhan ng kung anu ano."Reina!" nagmamadaling tawag sa akin ni Ylena, kaibigan ko. Tulad ko ay transferee din ang isang to. Actually tatlo kaming transferee dito. Naging close kami dahil kami kami lang naman ang walang kakilala dito. Well, meron akong kilala, yung kapatid ko. Sophomore pa lang naman iyon. "May problema! Si Quina!"
Agad kaming tumakbo palabas ng classroom at sinundan ko kung saan papunta si Ylena para malaman ang kinaroroonan ni Quina. Halos maitulak ko na ang mga taong ayaw tumabi sa daanan namin kahit nage excuse me na kami.
Ano na naman kayang gulo ang pinasok niya?
Dumating kami sa may papuntang comfort room sa 2nd floor at naabutang pinalilibutan si Quina ng apat na lalaki. Kumunot ang noo ko. Pumagitna agad kami ni Ylena sa kanila. Kung titingnan ko pa lang ay parang alam ko na ang nangyari at alam na alam ko na ang patutunguhan nito. Kahit saang angulo ay mali ang ginagawa ng mga lalaking ito.
"Uy, nagdala pa ng mga kaibigan. Ayos to!" sabi ng isa.
"Mga freshmen kayo no? Mga bagong mukha. Alam niyo, gusto lang naman naming makipag kilala." ani pa ng isa. "Di ba mga pre?" agad sumangayon sa kanya ang kanyang kasama.
"Excuse me! Senior na kami!" pagtatama ni Ylena. Nagtawanan naman agad sila. Mga bastos.
May isa namang lalaking mapangahas na hinawakan ang ID ko para icheck kung totoo ang sinabi ni Ylena.
"Uy, senior nga!" ani ng lalaking nasa may harap ko. Hinampas ko agad ang kamay niya.
"Anong section pre?" anang lalaki sa may likod.
"Di ko nakita e." sagot nito.
Mas kumunot ang noo ko. Ayokong mas lumala ang pangyayari kaya kinausap ko pa sila ng maayos. Well, hindi ko talaga kayang makipag usap sa kanila ng maayos kaya kahit papaano ay pinilit kong makapagsalita."Pwede bang maghanap na lang kayo ng iba niyong pagtritripan? Wala kaming time sa mga kalokohan niyo. Magaaral pa kami." masungit kong sabi sa kanila. At hinatak ko na ang dalawa kong kaibigan ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang aking braso.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Novela Juvenil[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...