Chapter 30 // Family

341 10 0
                                    

Chapter 30
Family

[ Raffy's POV ]

Kinabukasan pa kami nakarating sa ospital para tingnan ang lagay ni Win. Sabi ni Yasser, okay na daw ang lagay ngayon ni Win dahil naging stable na siya. Pero hindi iyon sapat para sa akin. Hindi sapat na marinig ko lang sa iba. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Yasser. I want to see him with my own eyes. That he's more than okay. And.. I want to be there for him. Lalo na ngayon. Kahit na maraming tao ang nandiyan para sa kanya. Gusto ko andun pa rin ako. Hinding hindi ako mawawala sa kanya. He's a family.

I'm his family.

Dumiretso kami sa CCU kung nasaan siya. Naabutan namin ang Tita Juanita niya at ang asawa nito pati ang Tito Marselo niya sa may waiting area. Mukhang hindi sila pinapapasok.

"May visiting time. 7-8 ng umaga pwedeng bumisita. Kakatapos lang. Mamaya na ulit 11-12 ng tanghali." Sabi ng asawa ng Tita Juanita. Tumango lang kami ni mommy.

Nangamusta agar si mommy sa nga tao doon. Nakinig na lang ako sa mga pinaguusapan nila.

Napagalaman din namin na 2-3 relatives lang ang pwedeng magstay sa waiting area. Nasagot na ang tanong ko kung bakit hindi ko makita sina Yasser dito. Nung una naisip ko pa na baka umuwi na sila dahil may pasok pa bukas.

"Sina Yasser po?" Tanong ko kay Tito Marselo nang matapos ang usapan nila.

"Nasa lounge sila, Raffy. Mabuti pang puntahan mo sila."

"Opo." ngumiti ako.

"Kamaganak po ni San Diego." Tawag ng nurse. Agad naman kaming lumapit sa kanya. "Pwede na po siyang ilipat ng kwarto. Punta na lang po kayo sa admitting office."

"Okay po. Salamat po!"

"Ako na ang pupunta sa admitting." Ani Tito Marselo. "Mas mabuti sigurong dito na lang muna kayo, Juanita, Lucio. Kung sakaling tumawag ang doctor."

"Salamat, Marselo."

Sumunod na rin kami ni mommy palabas ng waiting area papunta sa lounge. Itinuro  ni Tito Marselo ang direksyon para daw hindi kami maligaw. Agad naman naming nakita ang kinaroroonan nila.

Naabutan naming magkakausap sila sina Yasser, Zeke, Earth at isa pang lalaki. Nakaupo naman si Tita Suzaine sa may gilid at may kausap sa telepono. Napasulyap siya sa amin at agad na binaba ang hawak niyan tawag.

Binati niya kami ni mommy at nakatanggap pa ako ng ilang papuri. Pagkatapos nagusap na silang dalawa ni mommy. Medyo naging emosyon ang Tita Suzaine sa nangyari. Tinuro ni mommy sina Yasser para iparating na iwan ko na muna silang dalawa. Tumango na lang ako.

"Ililipat na daw sa room si Win. Tito Marselo is now in the Admitting office." aniko nang makalapit ako sa apat.

"O? Buti naman. Ang hirap kapag may visiting time. Di ka makapagtagal sa loob." Ani Zeke.

"He needs rest kaya ganun." Si Yasser.

"Nagising na ba siya nung nagpunta kayo kanina?" Tanong ko ngunit bigo silang umiling.

"Nope. He's still unconscious." sagot ni Earth. "Malay mo magising siya sa boses mo."

"Srsly? Ano to drama?" sabat ni Zeke.

"Zeke!" sigaw ni Tita Suzaine. "Keep you voice down." hindi siya nagpatinag at tumawag na lang.

"Tsk. Wrong genre, kid. This is romance." umiling si Earth kay Zeke. "Tell me. How will you get the girl?" bulong pa niya. Kunot ng noo lang ang ibinalik ni Zeke.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon