Chapter 16
Heart[ Reina's POV ]
Pinahid ko ang aking mga luha. Hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko at hihilahin ko na siya palayo dito sa pangyayaring ito. Nahawi ang mga tao ng dumaan kami kaya madali kaming nakalabas.
Hindi ko na alam kung saan kami papunta basta gustong lumayo kami. Tumigil ako para pahirin uli ang aking mga luha.
"Sige na, Third. Pumunta ka na sa classroom mo. Daan lang ako sa CR sandali." bawat salita, pinapahid ko ang aking mga luha.
"Ate, hindi kita iiwan. Lalo ng kailangan mo ko."
"Please.." Tiningnan ko siya ng maigi at nagbigay ng isang ngiti. Sa totoo, ayokong makita niya kong ganito. Mahina at umiiyak. "Sige na."
Marahan ko siyang itinulak para maglakad na siya palayo. Nang hindi ko na siya nakita, nanghina ang tuhod ko. Lumuhod ako at bumuhos na ang tubig sa mata ko. Hindi ko na kaya itong punasan kaya hinayaan ko na lang.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit parang may kumikirot sa puso. Ang sakit. Mas masakit pa ito kaysa nang niloko ako ni Gabriel.
Napahinto ako ng may biglang nagabot ng panyo sa aking harapan. Dahan dahan akong nagangat ng tingn para makita kung sino ito.
"You need this." ani Yasser. Marahan niyang iginalaw ang panyo para kuhanin ko iyon. Pero sa halip na kuhanin ko iyon, tumayo ako at inayos ko ang aking sarili.
"Hindi ko kailangan yan." sabi ko. Bakit sa dinamirami ng tao ay ang masungit na ito pa ang nakakita sa akin.
"Are you sure?" Hindi siya naniwala sa sagot ko. Kumunot ang noo ko. Naiinis din ako sa isang to. Hinding hindi ko makakalimutan ang una naming paguusap.
Aalis na ko ngunit makapal ang mukha niya at hinawakan niya pa ang braso ko. Hinawi ko iyon.
"Ano bang problema mo?" Naalala ko rin na kanina ay basta lang siya nakatingin sa pangyayari. Hinayaan lnag niyang saktna ni Win ang kapatid ko. Tapos ngayon lalapitan niya ko? Para ano pa? "Ano? Tititigan mo lang ako?" umirap ako.
"Patawarin mo na si Win sa inasta niya kanina. Masyado siyang nadala sa nararamdaman niya.. Alam mo na. Parang ikaw.."
Tinusok ko siya ng tingin. "Parang ako? Anong ibig mong sabihin?"
"Masyado kang nadadala sa nararamdaman mo kapag tungkol kay Third. Si Win naman kapag tungkol kay Nina. Kanina, masyado lang siyang nadala dahil ginamit ng kapatid mo ang pangalan ni Nina. Nagalit si Win. Tapos sinampal mo siya."
"So, kasalanan ko pa pala? Nandito ka para ipamukha ang pagkakamali ko? Tama ba? Natural. Kaibigan mo yun. Kaya nga hinayaan mong awayin niya ang kapatid ko. Di ba?"
"Hindi iyon ang ipinunta ko dito. Gusto ko lang linisin ang pangalan niya. Gusto kong maintindihan mo siya. Dahil pareho kayo."
"Hindi kami pareho. Masama ang ugali niya.. ugali niyo. Kayo ang pareho." tinalukuran ko siya at akmang aalis na. Ginugulo lang niya ang isip ko.
"He's only 8 when his mom died. Heart problem. It runs in their family. Like his mother, Nina got the same disease. Nalaman nila iyon a year after his mother's death. Dahil doon, mas naging over protective brother siya. Marami siyang pinagbawal sa kapatid niya. Ayaw niya itong masaktan physically.. even emotionally. Walang alam si Win na may nagugustuhan si Nina. Hindi isang bagay. Kundi isang tao. Iyon yung kapatid mo. Isinekreto niya ito kay Win dahil alam niyang pagbabawalan siya nito. Nina likes your brother.. alot but your brother didn't like her back. I feel sorry for her."
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Novela Juvenil[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...