Chapter 22 // Ospital

580 21 10
                                    

Chapter 22
Ospital

[ Reina's POV ]

"Reina, hindi ako okay." ani Win.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin. Iba ang sinasabi ng isip ko at iba rin ang sa puso ko. Hindi sila magkatugma. Hindi sila magkasundo. Hindi ko alam kung sino ang susundin ko.

Pumikit ako at dahan dahang niyakap si Win. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Gusto kong iparamdam sa kanya na andito ako para sa kanya. Na hindi ako aalis. Na hindi ko siya iiwan. Na handa akong damayan siya sa kahit ano mang problema meron siya.

"Magiging okay din ang lahat.." sambit ko. Tumulo ang mga luha ko sa hindi ko alam na dahilan. May sakit akong naramdaman sa aking puso. Hindi alam ng isip ko kung saan nanggaling ang sakit na iyon.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at niyakap na rin niya ako. Ilang minuto kaming nanatili doon. Sa gitna ng daan. Hindi ko namalayan ang mga taong naglalakad. Ang mga matang nakatitig. Waring kami lang dalawa ang nandito ngayon. Parang ayoko ng matapos ang oras na to. Parang gusto ko na lang matigil sa pangyayaring ito. Pero syempre imposible.

Buong magdamag kong inisip iyon kahit na may klase kami. Halos tulala lang ako sa may bintana habang lumilipat ang utak sa labas. Naranasan ko na ang malayo sa mga taong mahalaga sa akin pero hindi ko pa naranasang mawalan o maiwan ng tuluyan. Hindi ko ata kaya kung ni isa man lang sa kanila ay kuhanin sa akin ni Lord.

"Reina.." tawag sa akin ni Quina. Kinailangan niya pa akong kalabitin para mapansin ko siya. Nilapit ko naman ang sarili ko para mas marinig siya. "Isinugod daw sa emergency room ang daddy ni Win. Hindi na naman daw naging stable ang vital signs niya." Wala akong ideya kung saan nakuha ni Quina ang impormasyon iyon. Nagpapasalamat na lang ako sa kanya dahil nakuha ko ang impormasyon na yun agad.

"Nasan na si Win?" diretsong tanong ko.

"Papunta na daw sa ospital." tumango ako sa sagot niya. Pupunta na rin ako kung ganun.

"Pabigay na lang ng bag ko kay Third. Itetext ko na lang siya para makuha niya. Salamat." ani ko kay Quina. Medyo nagpuzzle pa ang isip niya sa sinabi ko pero hindi na niya nagawang magtanong. Naliwanagan lang siya ng tumayo na ko sa aking silya.

Hindi pa man natatapos yun klase, lumabas na ako ng classroom. Magcucut ako. Kahit na wala akong relasyon sa pamilya ni Win. Family emergency pa rin ito para sa akin. Dapat nandun ako. Gusto kong nandun ako.

Narinig ko ang sigaw ng teacher namin ng tuluyan akong lumabas ng classroom. Wari ko'y hinabol pa niya ako palabas ng classroom. Agad akong tumakbo. Hindi ko maalala kung nakapagcut na ko ng klase dati. Sa palagay ko ito ang una. Okay na siguro dahil last class na naman ito ngayong hapon. Wala na namang mawawala sakin ng malaki kahit sumuway ako ng isang school regulation ngayong taon.

Nakarating ako sa labas ng gate ng hinihingal. Buti wala ang guard dito ngayon kundi patay ako. Naghanap ako ng jeep na maaaring dumaan ng ospital. Kakaway na sana ako ng may tumigil na kotse sa harap ko. Bumaba ang tinted window nito. Tumungo ako para malaman kung sino ito.

"Punta ka bang ospital?" tanong ni Yasser. Right timing nga naman. "Sabay ka-" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at binuksan na agad ang pinto. Alam kong pupunta rin siya dun at hindi ko na papalampasin ito. Kailangang makarating kami agad.

"Tara na!" nagmamadali kong sambit. Ako kasi ang may ari ng kotse.

Nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Alam kong hindi ako ang unang taong hahanapin ni Win. I know Raffy will always be the first person who he will look for. Pero gusto kong andun ako. Andun ako kahit hindi niya ako hanapin. Andun ako kahit hindi niya ako kailangan. Andun ako kahit hindi niya alam na lagi lang akong andun para sa kanya.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon