Chapter 20
Yakap[ Yasser's POV ]
"Baka kung ano ng nangyari doon." sabi ng kapatid kong si Zeke.
Huminga ako ng malalim at inisip na baka nga merong nangyari sa kanya. Sana naman ay wala. Sana ligtas siya. Sana may pinuntahan o dinaanan lang. Pero bakit hindi rin siya macontact kung ganon? Dahil alam niyanh may nangyaring masama sa daddy niya, dapat nandito na siya ngayon.
Lumapit sa amin si mommy at daddy, kasama ang isa pa nilang kasosyo sa negosyo.
"Nasaan na si Win? Nacontact niyo ba?" tanong ni daddy.
"Hindi po sumasagot." sagot ko. Sumama agad ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"This is not good, Marselo." sabi ni mommy kay daddy. "Kailangan nating makita si Win para malaman kung okay ang lagay niya. I know this is very hard for him. Si William na lang ang natitira sa kanya. Masakit ito para sa kanya."
Tumango lang si daddy at hinawakan ang nanghihinang balikat ni mommy. Alam namin kung gaano kahirap para kay Win ang nangyari. Nawala ang mommy at kapatid niya. Ngayon, naaksidente pa ang daddy niya. Kritikal pa nag lagay. Baka feeling niya ay magisa lang siya. Andito naman ako, kami ng pamilya para sa kanya. Malapit ang pamilya namin. Handa kaming tumulong kung kailangan niya.
"I think you should find him." ani daddy.
"Opo."
Sinenyasan ko sina Franco, Brandon at Vincent. Kami ang maghahanap kay Win. Ang kapatid ko naman ay maiiwan para siguraduhing ayos lang si mommy at daddy. Siya na rin ang magupdate sa akin sa mga mangyayari.
"Zeke.." tawag ko. Hindi niya ako narinig dahil parang may hinahanap siya kung saan. Luminga din ako para tingnan ang paligid. Hinawakan ko ang balikat ng kapatid ko. Natauhan siya. "Ikaw na bahala dito. Tawagan mo ko kung may problema." Tumango siya.
Tumungo na kami palabas para makaalis na. Dahil lahat kami ay may dalang kotse, madali ang magiging paghahanap namin.
Si Brandon, pupunta sa bahay nina Win. Si Vincent, sa school. Si Franco, sa tambayan. Ako naman, magiikot kung saan pwede siyang pumunta. Ako kasi ang pinakamalapit sa kanya kaya may ideya ako ko kung saan siya pwede dumaan.
Naghiwahiwalay na kami para pumunta sa kanya kanya naming mga sasakyan.
"Yasser.." narinig kong tawag ng isang babae. Nilingon ko agad iyon at nagulat ng makita kong si Reina iyon. Anong ginagawa niya dito? "Pwede ba kong sumama?"
"Sorry, Reina. May importante akong pupuntahan."
"Gusto kong tumulong sa paghahanap kay Win." aniya. Bahagyang kumot ang noo ko. Paaano niya nalaman na hahanapin ko si Win. At bakit ba siya nandito? "Please. Gusto ko talagang tumulong." pagmamakaawa niya.
Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Wala na kong oras makipagtalo. Kailangan kong mahanap si Win sa lalong madaling panahon. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung isasama ko ang babaeng ito. Baka makatulong pa siya.
Pumayag ako kaya agad kaming sumakay sa kotse ko. Binuhay ko agad ang makina at pinaharurot ang sasakyan.
"Saan tayo magsisimula?" tanong niya. Hindi ko agad nasagot dahil hindi ko alam kung saan kami unang pupunta. Agad sumagi sa akin ang isang lugar na naaaring puntahan niya.
"Sa simbahan muna.." Agad siyang tumango sa sagot ko. Ni hindi na siya nagsalita. Nanatili siyang tahimik sa byahe.
Dahil sa bilis kong magpatakbo ng sasakyan, madali kaming nakarating sa simbahan. Konti lang ang mga sasakyan dito dahil na rin siguro weekdays ngayon. Hindi naman linggo.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Novela Juvenil[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...