Chapter 7 // Nina

668 28 10
                                    

Chapter 7
Nina

[ Win's POV ]

Kompleto ang barkada ko. Masaya kaming nagkwekwentuhan dito sa may terrace namin. Ikwinekwento nitong si Vincent kung paano siya nagpaalam sa mga magulang niya. Muntik na daw siyang hindi payagan.

Mamaya ay magsisimula na kaming uminom. Nagsindi muna ako ng sigarilyo. Ganun din si Yasser. Bihira lang itong magyosi. Humithit siya bago nagsalita.

"Para saan ang mascot?" tanong niya sabay buga ng usok. Natanaw niya sa malayo ang nakatayong mascot.

Tumingin ako sa ibang direksyon. "Para mag enjoy ang mga tao." maikli kong sagot.

"Para magenjoy ang mga tao o para magenjoy ka?" napatigil ako sa sinabi niya. Bahagyang napakunot ang noo ko.

"Yasser, Win! Ano bang ginagawa niyo dyan?" sigaw ni Vincent. "Tama na ang yosi! Inuman na dali!"

Nagkatingin muna kami ni Yasser bago pumunta sa table. Naghahanda si Franco at Brandon ng mga pulutan.

Si Vincent ay nagtakal na sa shot glass at inabot agad iyon kay Yasser. Ininom agad iyon ni Yasser.

Maya maya ay may narinig kaming kalabugan sa labas. Sinilip ko yun at nakitang may natumbang table. Siguro dahil lasing na ang mga tao dito. Mamaya ay pauuwiin ko na sila.

Hindi ko na pinasin iyon pero nung binalik ko muli ang aking tingin doon sa table. Saka ko lang napansin ang malaking mascot. Iyon siguro ang dahilan kung bakit natumba ang table.

"Shit!" mura ko. Tumakbo ako agad palapit sa pangyayari. Sumunod naman din agad ang mga kabarkada ko sa akin.

Hinahawi ko ang mga taong bumabalakid sa akin. Wala akong pakialam kung naiitulak ko na sila. Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa pangyayari.

Lumapit ako kay Reina at tinanggal ang nakalagay sa ulo niya.

"Ayos ka lang?" nagaalala kong tanong sa kanya.

Oo. Medjo nagaalala ako. Baka nasaktan siya. Babae siya at ayoko talagang nakakakita ng may babaeng nasasaktan. Natumba rin ang table at doon pa lang ay alam ko ng hindi basta basta ang pagkatumba niya. Hindi matutumba ang table kung simpleng nadali lang ito. Marahil may tumulak sa kanya.

"Ayos lang ako. Awatin mo sila." aniya. Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Tumayo ako at tiningnan ang mga taong nagsimula ng gulo. Nakita ko si Gino at si Third. Kalmadong nakatayo si Third samantalang si Gino naman ay sigurado akong lasing na.

"Gino, umuwi ka na." sabi ko. Nagulat siya at tumawa na lang bigla. "Wag kang manggulo dito." dagdag ko. Lumingon ako sa may table.

Andoon pa rin si Reina. Tinutulungan siyang tumayo ni Zeke. Kumuyom ang panga ko.

"Win, ano bang nangyayari sayo?" natatawang sabi ni Gino.

Si Gino, kaibigan ng kapatid ko. Sa tingin ko ay may gusto siya sa kapatid ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakita dahil lumipat na siya ng school.

"Hindi mo ba naalala ang ginawa nitong si Third kay Nina?" lalapit na siya sa akin ngunit hinawakan siya nina Brandon at Vincent.

"Umuwi ka na." ulit ko. Hindi siya nakinig.

"Nawala sa atin si Nina ng dahil sa gagong ito." idinuro pa niya si Third. "Ano? Nakalimutan mo na? Si Nina, kinalimutan mo na? F*ck you!" mura niya sa akin. Umiling lang ako.

"Ilabas niyo na yan." utos ko kina Brandon at Vincent. "Lasing na yan."

Hindi siya nagpatalo. Nagwala pa ito. "Bitawan niyo ko!" sigaw niya kina Vincent. Malakas na siguro ang tama niya.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon