Chapter 5
Papa[ Reina's POV ]
Nanlalamig akong lumabas ng classroom namin. Alam ko ang ginawa ko. Sinabi na ni Yasser na hindi iyon magandang oras pero tinuloy ko pa rin.
Hawak hawak ko ang sarili ko habang sinusuyod ang nagkakagulong mga tao dito sa corridor. May ibang napapatingin sa akin. Siguro ay nakita nila ang mga nangyari kanina. Nagbulungan pa ang ilan. Hindi ko sila pinansin.
"Reina, kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba galing?" tanong ni Ylena nang makapunta ako sa kanila. "May nagaaway daw dun sa kabilang classroom." Dagdag pa nito.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ako nakasagot. Marahil ay hindi nila nakita ang pagsugod ko doon. Basta basta na lang kasi akong nawala. Hindi nila napansin. Hindi rin ako nakapagisip ng tama dahil sa galit ko.
"Okay ka lang? Bakit namumutla ka?" nilagay ni Quina ang kamay niya sa aking noo. Kitang kita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata. "Wala ka namang lagnat. Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako. Kinagat ko ang aking labi para maalis ang pamumutla ng mga ito. Ngumiti ako. Ayokong makita nila ako ng ganito. Binuhay ko agad ang lakas ko.
"Huh? Okay lang ako! Baka dahil sa ice candy na kinain ko. Malamig iyon." Palusot ko. Hindi ko alam kung tinanggap nila iyon. Wala na kong ibang maisip. "Sige, una na muna kayo sa classroom. Susunod na lang ako. May pupuntahan lang ako saglit." pagpapaalam ko. Hindi ko na inintay ang sagot nila at umalis na lang bigla.
Naglakad ako palayo sa mga tao. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanlabo ang mga paningin ko. Tumingala ako sa taas para hindi matuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Kinagat ko ang labi ko.
"Ano ka ba, Reina! Wala lang yun. Nagalit lang. Ikaw naman. Palagi ka rin naman nagagalit." sabi ko sa sarili ko. Pinaypayan ko pa ang mata ko para matuyo ito agad.
Pinilit kong kalimutan ang mukha ni Win. Pero paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang imahe niya. Yung mabibigat na titig niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit niya. May pinaghuhugutan ba siya?
Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Hindi pa rin ito nawala. Animo'y binabangungot ako ng gising. Tsk. Ano bang nangyayari sa akin?
Tiningnan ko ang kamay ko. Bakat pa rin doon ang kamay niya. Sobra niyang piniga ang kamay ko. Feeling ko kung hindi pa siya pinigilan ni Yasser ay hindi niya tatanggalin yun.
Pumikit ako ng mariin. Naalala ko noong palaging nagaaway sina Mama at Papa. Maliit pa ako noon pero tandang tanda ko pa rin. Naging isang masamang panagip iyon para sa akin.
"Nakainom ka na naman! Ano bang nangayayari sayo?!" bulyaw ni Mama pagkarating ni Papa sa bahay.
Pasuray suray pa itong maglakad. Humiga siya sa may sofa at parang doon na ata matutulog.
"Hindi ka na nahiya sa mga bata! Uuwi kang lasing dito! Ano ka ba naman!"
"Hindi ako lasing.. Nakainom lang ng konti." sagot ni Papa. Hinampas agad siya ni Mama. Galit na galit si Mama. Paulit ulit niyang hinampas si Papa. "Aray! Aray! Ano ba! Aray!"
"Nagtratrabaho ako dito tapos maglalasing ka lang din pala! Pabigat ka lang sa bahay na ito! Wala kang silbi."
Nagalit si Papa sa sinabi ni Mama. Tumayo ito at hinawakan ang pulso ni Mama.
"Anong sabi mo?!" tanong ni Papa. Nakita kong nagdilim ang mga mata nito. Galit si Papa. "Hindi porke natanggal ako sa trabaho at ikaw ang nagbabayad ng mga gastusin dito. Hindi ibig sabihin noon na wala na akong silbi!"
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Novela Juvenil[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...