Chapter 11
Dress[ Reina's POV ]
Buong araw kong iniisip yung paghahatid sa akin ni Win. Tapos yung sinabi ni Yasser kay Gabriel na may boyfriend ako. Ang alam ko kasi ay seryosong tao si Yasser tapos biglang kalokohan lang ang sasabihin niya.
Wala kong maisip na dahilan kung bakit nila iyon gagawin. Para kaya tulungan ako? Pero bakit nila ako tutulungan. O baka naman may binabalak sila. Baka naman pinapasakay lang nila ako para magtiwala sa kanila.
Pero kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil sa ginawa nila. Hindi ko na kasi alam kung anung sasabihin kay Gabriel.
"Hoy, Reina. Ano na namang problema mo?" tanong ni Ylena. Lumingon ako sa kanya. "May ginawa na naman bang kagaguhan iyong si Win sa kapatid mo?"
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang paghihinala niya na yun. Sa totoo, wala naman akong nababalitaan sa kapatid ko. Sa tingin ko, hindi pa ulit siya ginugulo ni Win. Baka may ibang pinagkakaabalahan.
"Huh? Ah eh.. Wala naman ata." sagot ko.
"Oh. Wala naman pala. Bakit ganyan itsura mo?" Kumunot ang noo ko sa sinabi. Ano naman kayang problema sa itsura ko?
"Yung anu kasi.. Yung ex ko. Nagpakita sa akin kahapon." wala na kong ibang maisip.
Gusto kong umiwas sa maraming tao. Parang gusto kong mapagisa. Pero kinamalas malasan pa nga na makakasabay pa namin sa pagkain itong sina Win at yung kumakalat na girlfriend o ex niya raw.
"So, iyon pala si Raffy." ani Ylena. "Siya yung pinaguusapan nina Rizza kaninang umaga."
"Yung ex daw ni Win?" tanong ni Quina.
"Oo daw. Pero kung mag ex sila. Bakit magkasama sila? Baka naman may something pa. Baka magkakabalikan." sabi ni Ylena.
Malaya silang naguusap dahil umoorder pa ang grupo ni Win. Kanya kanya kami ng order. Nauna kami kanina. Ngayon ay nagiintay na lang kami ng aming order.
Maganda yung si Raffy. Sobrang puti at kinis ng kanyang mukha. Parang artista. Tapos mukha pang mabait. Kung totoo nga ang sinasabi ni Ylena na magex silang dalawa, baka nga may something pa silang dalawa.
"So, andito ba si Raffy para magkabalikan na sila?" tanong ni Quina.
"Siguro.." sagot ni Ylena.
Nang dumating na ang mga lalaki ay tumahimik na sila. Tumabi si Franco kay Quina.
Maya maya ay dumating na rin sina Win at Raffy. Masaya silang nagkwekwentuhan ng umuupo sa aming table. Tumabi sa akin si Raffy at katapat naman niya si Win. Nanlamig agad ako.
"Reina," tawag ng aking katabi si Raffy. "Nabanggit ni Yasser na hindi kayo magkaklase ni Win. So, paano kayo nagkakilala?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong niya.
"You know what, Raffy. Why don't you ask Franco instead." sabi ni Brandon. "Siya ang dahilan kung bakit nagcrus ang mga landas namin."
"O?.. Sige." sagot ni Raffy. Bumaling agad siya kay Franco. "So, Franco, how did you meet these beautiful girls?"
"May type kasi siya sa isa sa kanila." ani Vincent. Siya na ang sumagot.
Magsisimula na lang itong mangasar. Nakita kong nanliit na ang mga mata ni Quina. Nahihiya ito. Si Franco ay sinasaway na ang mga kaibigan niya.
"Hmm. Hindi na siguro importante iyon. Medyo hindi kasi maganda ang naging unang pagkikita namin." sabi ko. Tumango si Raffy.
"Ah okay." aniya. "Ako na lang ang magkwekwento." sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...