Chapter 27
Transfer[ Win's POV ]
"Tita, alis na po ako."
"Teka, Win. Hindi ka ba maguumagahan? Patapos na kong maghain."
"Hindi na po. Magdadala na lang po ako ng tinapay." Dumampot ako ng dalawang pandesal sa lamesa at inilagay iyo sa maliit na supot. Ipinasok ko rin agad iyon sa bag ko.
"Ahh. Sige, magingat ka. Wag kang magpapagutom sa school." dagdag pa niya. Bahagya akong ngumiti. Bigla ko na naman kasing naalala si Daddy. Palagi siyang nagpapaalala sa aking kumain at huwag magpagutom. Kahit tuwing nasa business trip siya, hindi niya nakakalimutang tumawag para paalalahanan ako.
Lumabas ako ng gate at nagsimula ng maglakad. Walking distance lang ang pinapasukan konh school mula sa bahay ng tita ko kaya kayang kayang lakarin. Siguro mga 10 minutes ay makakarating na ako doon.
Inilabas ko ang ID ko nang dumaan ako sa front gate ng school. Strict kasi ang guard nila dito lalong lalo na sa complete uniform. Siguro dahil matagal na itong nagtratrabaho dito. Kabisado na niya ang mga palusot ng mga estudyante.
"Pakilagay ng ID lace sa leeg. Kanino bang ID yan, sayo o sa bag mo? Kung sa bag mo edi sana, bag mo na lang ang pumapasok sa school." Sermon ni Manong guard. Tumawa naman ang lahat ng nakarinig.
"Si Manong Edwin naman oh. Sinabit ko nga sa bag para siguradong hindi ko malilimutan. Ito na oh. Ilalagay ko na sa leeg."
"Manong Edwin, baka ihahatid lang ni Paul ang bag niya sa loob kasi yun talaga ang nagaaral. Yung bag hindi siya."
"Uy, tigilan mo ako, Reiko. Nagaaral ako ah."
"Natutulog ka lang. Sira!"
Nilampasan ko sila nang matapos icheck ang uniform at ID ko.
Dumiretso ako sa may rooftop para pagmasdan ang ganda ng sikat ng araw. Ipinatong ko ang bag ko bago umupo sa may bench doon. Kinuha ko ang pandesal sa bag ko at nagsimulang kumain. Kumpara sa kinalakihan kong syudad, mas mainit ang sikat ng araw dito. Lalo na kapag tanghali. Pero mas presko ang hangin dito kumpara doon.
Mas maganda talaga dito sa rooftop. Bukod sa mahangin, tahimik lang dito dahil magisa ako. Walang istorbo. Ipinasak ko ang earphones sa tenga ko at nagplay ng kanta sa cellphone ko.
Ang gusto ko lang ay ang magisa ngayon. Siguro iyon ang dahilan kung bakit mas ginusto kong lumayo sa lugar na kinalakihan ko at sa mga taong nagmamahal sa akin. Gusto kong mapagisa.
Ilang minuto na kong nakaupo doon ng may mapansin akong bola na gumulong sa harapan ko. Nagtaka agad ako. Sino naman kaya ang maglalaro ng basketball sa rooftop? Pinilit ko ang sarili kong tumayo para pulutin ang bola. Hahanapin ko na sana ang may ari nito nang may limang lalaking tumambad sa harap ko. Ilang metro din ang pagitan namin pero kitang kita ko ang pagngisi ng isa sa mga ito.
"Bago kang salta dito no? Mukhang walang alam." Sabay sabay pa silang tumawa. "Pinapunta ka ba ni Pin dito? Bakit asan siya?" Mukhang masisira ang araw ko.
Tinanggal ko ang earphones ko at nagkunwaring hindi ko siya narig. "May sinasabi ka ba?"
"Aba't, maangas ang isang to. Mukhang mas magiging masaya to a." Sabi pa nung isa. "Hindi mo ba kami kilala?"
"Shh." Saway nung nasa gitna. Unti unti siyang lumapit sa akin. Nang makarating siya sa akin, kinuha niya ang bola sa kamay ko at itinapon iyon sa kasamahan niya. Kwinelyuhan agad niya ako. "Ayoko ng maangas dito. Naintindihan mo?"
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...