Chapter 18 // Damit

639 31 4
                                    

Chapter 18
Damit

[ Win's POV ]

Bumangon ako sa kama at agad umikot ang aking paningin. Pumikit ako ng mariin para mawala iyon. Hinimas ko rin ang aking sentido dahil sa sakit ng aking ulo. Napamura na lang ako. Ito ang ayaw ko kapag nalalasing, ang hangover.

Sinulyapan ko ang wall clock. 10:30am na pala. Tanghali na naman ako nagising tulad ng nakaraang araw. Humiga ako muli at balak kong bumalik sa pagtulog. Hindi ko nagawa yun dahil nakaramdam ako ng uhaw. Gusto kong uminom ng malamig na tubig. Nakakadehydrate ang alak.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Huminga ako ng malalim. Wala akong damit pangitaas ngunit parang ang bigat ng pakiramdam ko. Tatayo na sana ako papunta sa kusina ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko iyon. Tumatawag ang daddy ko. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello, Dad.."

"Win, kumusta ka, anak?" tanong niya. Tulad ng dati, masigla nag kanyang boses. Parang walang iniindang problema.

"Ayos lang naman ako, Dad. Kumusta po ang business sa Davao?"

"Okay naman. Maagang naapprove ang contract. Maaga akong makakauwi. Pasensya na anak. Naging busy ako. Nawalan na ako ng oras sayo. Hayaan mo. Babawi ako. Ano bang gusto mong gawin? Lawn tennis? Gun shooting? Name it." ani daddy. Umiling ako.

"Hindi naman po kailangan. Alam kong busy kayo. Naintindihan ko."

Kahit busy siya ay hindi niya nakakalimutan ang pamilya niya. Mahal na mahal niya kami. Lahat ay gagawin niya para sa amin. Kahit wala na si Mommy at Nina, hindi niya ako nakakalimutan. Lagi niya ako binibigyan ng oras. Naiintindihan ko naman ang mga panahong ganito. Minsan sobrang busy niya. Natatakot ako na baka magkasakit siya dahil sa stress at pagod.

Hindi rin siya mahigpit sa akin at lahat ng luho ko ay ibinibigay niya. Ang tanging kaya kong isukli sa kanya ay ang maging mabuting anak pero hindi ko pa magawa. Hindi ako nagaaral ng mabuti. Ni wala akong ibang alam gawin kundi ang mambulakbol.

"Alam ko na, bowling! Di ba matagal na nating hindi ginagawa iyon? Antagal ko ng hindi nakapaglaro. Baka mabeat mo na ko!"

Bowling ang pinakagustong gawin ni Mommy nung nabubuhay siya. At ng nawala siya, hindi na kami kailan la man naglaro nun. Ngayon gumaan ang pakiramdam ko ng ipresenta ni Daddy ang paglalaro nun. Hindi na ako nakatanggi.

"Sige po! Kailan po ba ang balik niyo?"

"Sa isang araw, anak. Pinapachange na namin ang flight namin ngayon. Sige na, magingat ka diyan. Magaral ng mabuti ha?"

Sumagot ako at pagkatapos ay binaba na niya ang telepono. Napangiwi ako sa orasan. Naguilty ako bigla. Dapat nagaaral ako ng mabuti pero ano itong ginagawa ko? Araw araw umiinom.

Napagisip isip kong pumasok na lang ng school kahit halfday lang. Sumasakit ang ulo ko pero binaliwala ko iyon. Tanghali na at sigurado akong lunch break na. Sakto lang kung dadating ako sa school. Sumakay ako sa Mustang ko at pinaharurot agad iyon ng magbukas ang gate namin.

Win:
Paschool ako. Asan kayo?

Yasser:
Sa Chéz.

Ilang saglit lang akong nagdrive papunta sa school. Tanghali na at konti na lang ang mga sasakyan na bumabyahe. Mga jeep ang karamihan.

Nagpark ako sa likod ng school. Dumiretso ako sa gate at pumasok na sa school. Marami akong nakitang estudyanteng gumagala sa canteen.

Namataan ko pa si Daphne na bumibili ng buko juice sa isang tindahan. Kumaway siya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Nagabot siya ng bayad para buko juice at sabay na kaming naglakad.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon