Chapter 14 // Gusto

620 33 5
                                    

Chapter 14
Gusto

[ Raffy's POV ]

7am dumiretso ako sa bahay ng bestfriend ko na si Win. Ang sabi ni Yasser. Baka hahabol na lang si Win sa lakad namin. May pupuntahan daw. Importante. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang siya tumanggi ng ganito. Marahil dahil malalaki na kami. Mature na siya at marami ng nagbago.

Ngayon, itry kong kumbinsihin siya na sumama sa amin. Gusto ko ring malaman kung ano ba ang gagawin niyang importante. Gusto kong malaman kung ano yung lakad na ipinagpalit niya sa akin.

"Uy, Raffy! Ang aga mo naman!" pambungad ni Manang pagkapasok ko sa loob ng bahay. "At may dala ka pa." kinuha niya ang inaabot ko sa kanyang lasagna. Ako ang nagluto.

"Yes, Manang. Pakiprepare na lang po. Salamat. Si Win? Tulog pa po?" tanong ko. Madalas kasi ay 6am siya nagigising. Body clock na niya ata iyon. Ewan ko kung anong nangyari ngayon. Baka naginom na naman.

"Ay, oo, Raffy. Late na siya umuwi kagabi. Lasing. Driver ni Yasser ang naghatid." sagot niya. Tumango ako sa sinabi niya. Gusto kong bulabugin ang pagtulog ng bestfriend ko. Ngumisi ako.

Nagpaalam ako kay Manang at dumiretso sa kwarto ni Win. Hindi ito nakalock. Ngumisi ako. Nakahiga siya sa kama niya at nakabalot sa kanyang comforter. Tumabi ako sa kanya at humiga rin. Ngayon ay magkatapat na ang mukha namin. Kitang kita ko kung paano kapayapa ang kanyang tulog.

Naisip kong hindi na lang siya gisingin at titigan na lang ang malaanghel niyang kaanyuan. Gusto kong hawakan ang mukha niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili.

May kumirot sa aking puso. Pinagsisisihan ko ba ang desisyon ko? Na dapat hindi na lang kami nagbreak? Na dapat, kami pa rin ngayon. Na dapat, ako lang ang mamahalin niya. Mahal ko ang tao na ito pero natatakot akong masaktan siya. Natatakot ako ang makasakit sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kinagat ko ang labi ko at bumangon na sa kama niya. Patayo na ako ng bigla niya akong hawakan. Napatalon ako sa gulat.

"Gising ka?" halos nanlamig ang buong katawan ko. Parang naubusan ako ng dugo.

"Sawa ka na bang pagmasdan ang mukha ko." aniya. Nakangisi siyang mumulat. "Dito ka muna." hinigit niya ako pero inaagaw ko agad ang kamay ko bago pa ako mapahiga sa kama.

Kumuha ako ng isang pilow sa taas ng ulo niya. Itinapon ko iyon sa kanyang mukha. Nairita siya sa ginawa ko pero tumawa lang ako. Umaga pa lang ay badtrip na agad siya. Nagtagumpay ako.

"Rise and shine, sleepyhead! Bumangon ka na at magpaliwanag kung bakit hindi ka sasama. I mean, susunod ka lamang. You know. You'll miss the fun!" hinawakan ko ang comforter at inalis iyon sa katawan niya. Tumambad sa akin ang topless niyang katawan. Kumunot ang noo ko at ibinalik ang comforter sa kanya. Naramdaman ko ang paginit ng aking mukha. Tumalikod ako.

"Anong oras na ba?" tanong niya. Bumangon siya at hinimas ang kanyang sentido. Masakit ang kanyang ulo. May hangover pa ata ang isang to.

Tumingin ako sa relo ko. "7:45am to be exact, sleepyhead."

"What?" agad siyang bumangon sa kanyang kama. Dumiretso siya sa banyo at sumunod ako dun.

"So, saan ka ba pupunta? Anong gagawin mo? Sinong kasama mo?" ngumuso ako. Tumingin siya sa akin at nagtaas pa ng kilay.

"Madate kami ni Reina." namilog ang mga mata ko. Date? With Reina?

"Nice.." yun lang ang nasabi ko. First time kong marinig na makikipagdate siya matapos ang breakup namin. Well, isang taon na rin yun. Hindi na rin naman namin kailangang magmove on dahil friends pa rin namin kami. Pero.. Umiling na lang ako.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon