Chapter 15
Sakit[ Reina's POV ]
Mga 7:00pm na ng mapagpasyahan naming umalis. Gumagabi na rin. Magisa ang kapatid ko sa bahay dahil malelate ng uwi ang parents namin. Tinext ko sina Mama at Papa na pauwi na kami.
Si Win ang maghahatid sa akin at si Yasser at Zeke naman ang maghahatid kay Raffy. Gustong umangal ni Zeke pero sinaway siya ng kuya niya. Gusto niyang sila ang maghatid sa akin. Hindi pumayag si Win.
Kumaway si Raffy sa akin bago sumakay sa kotse ni Yasser. Pinagbuksan ako ni Win ng pinto kaya pumasok na rin ako sa loob. Umikot agad siya sa kabila. Nang makapasok na siya sa sasakyan, inilabas ko agad ang aking kamay. Gusto ko ng makuha na agad ang cellphone ng kapatid ko. Mamaya, hindi pala niya tuparin ang pinagusapan namin. Napatingin sa siya sa aking kamay.
"Atat?" aniya. Kinunot ko ang noo ko.
"Anong atat? Di ba may pinagusapan tayo? Na kapag katapos ng date na ito ay ibibigay mo na sa akin? Kaya akin na. Ibigay mo na sa akin." ngumisi siya sa sinabi ko. Sumimangot ako.
"Di ba sabi ko kapag nagenjoy ako?"
"Bakit? Hindi ka ba nagenjoy..?" kinagat ko ang labi ko. Binawi ko na ang kamay ko. Ito nga ba ang sinasabi ko. Napagrabe niya! Hindi niya tutularin ang sinabi niya. Uminit ang dugo ko at tumingin na lang sa bintana. Hindi ko siya papansinin. "Bahala ka diyan!"
"Haha. Sungit. Oo na, ito na. Ibibigay ko na." Tumingin ako sa kanya at sinigurado kong cellphone na ang ibibigay niya sa akin. Nang makita kong inilabas niya iyon, hinablot ko agad para hindi na niya ako mapagtripan.
Naging mahaba ang byahe namin dahil traffic na. Tahimik lang kami. Maya maya ay pinindot niya ang radio kaya nagkaroon ng kaunting ingay. Ang pinaguusapan sa radio, anong madalas mong ginagawa kapag nalulungkot ka. Hindi ko pinansin yun. Nagpatunog pa sila ng malungkot na kanta. Umikot ang mata ko. Talaga bang nangaasar ang tadhana? Yung kanta pa namin ng ex ko. Alam kong korni na may theme song kami noon. Ngayon ko lang nalaman nang nagbreak kami.
"Paki patay nang radio, please." pakiusap ko. Tiningnan ako ni Win nang tumigil ulit dahil sa traffic. Hindi ako gumalaw.
"Bakit? Nakakarelate ka?" tinawanan na naman niya ako. Sinulyapan ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Nagpigil siya ng tawa ngunit pinatay din naman ang radio. Natahimik na naman ang kotse.
"Gusto kong mapagisa kapag nalulungkot ako." bigla kong nasabi. Wala ako sa aking sarili. Hindi ko alam. Basta na lang lumabas sa aking bibig. Napansin kong sumulyap siya sa akin. Nanigas ako. "Wag mo na lang akong pansinin."
"Magkabaliktad pala tayo. Ako gusto kong may nakakausap ako kapag nalulungkot ako. Buti na lang parating nandiyan si Daddy para makinig sa akin.." kumuyom ang panga niya. "Kapag wala si Daddy, pumupunta akong sementeryo."
Lumingon ako sa kanya. "Sementeryo?"
"Oo, kinakausap ko si Mommy.. at Nina.. Ang pamilya ko.." tumawa na naman siya pero ramdam ko ang pait sa boses niya. "Kapag wala na akong matakbuhan, doon ako nagpupunta."
May kumirot sa puso ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako ay nagulat sa aking sarili. Tinanggal ko agad iyon na wari mo'y napaso ako sa init ng kanyang kamay.
"Alam kong feeling mo na magisa ka na lang. Win, pwede mo kong kausapin."
"Salamat."
Dumating kami sa bahay namin ng mga 8:15pm.
"Maraming salamat sa cellphone." aniko at isinarado na ang pinto ng kotse niya. Ibinaba niya naman ang bintana para kausapan pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/62992295-288-k174038.jpg)
BINABASA MO ANG
My Brother's Bully
Teen Fiction[: o n g o i n g // BOOK 2 of The Bully Series :] Lahat gagawin ni Reina para protektahan ang kanyang kapatid. Pero paano nga kaya kung biglang mahulog ang loob niya sa lalaking dahilan ng pagiyak ng kapatid niya? Makakayanan rin ba niyang maprotekt...