Chapter 24 // San Diego

488 17 0
                                    

Chapter 24
San Diego

[ Yasser's POV ]

"Isasama namin si Win sa probinsya." ani Tita Juanita, kapatid ng mommy ni Win. Sa Ilocos kasi nakatira ang ibang kamaganak ng Mommy niya. Ang alam ko, isang beses pa lang siyang nakabisita doon kaya hindi siya pamilyar sa lugar. Hindi rin niya kilala ang iba niyang pinsan na doon na lumaki.

Kanina pa silang naguusap tungkol sa kalagayan ngayon ni Win. Wala pa kami sa legal age kaya naghahanap sila ng pwede niyang maging guardian. Ang narinig ko kasi, makukuha lang niya ang bahay, mga lupa at ibang pagaari ng pamilya niya kapag tumungtong siya ng 18ng taong gulang. Sa ngayon, kailangan niya munang tumira sa isang malapit na kamaganak.

"Paano na lang ang kinalakihan niyang buhay dito? Sangayon ba siyang iwan na lang ang lahat dito?" tanong ng Tita Isabel, mommy ni Raffy. Naabutan ko ang pagtango sa kanya ng Mommy ko.

May maikling ibinulong si Mommy kay Daddy bago ito nagsalita. "Tama. Mahihirapan si Win kung doon siya sa probinsya niyo, Juanita. Dito na lumaki ang bata. Mas magandang manatili na lang siya dito. Kung wala man siyang kamaganak dito, marami namang mga kaibigan ang daddy niya dito, tulad ko na lamang. Handa akong tulungan ang bata." Nakita ko ang marahang pagngiti ni Mommy.

Sa totoo, hindi ko sigurado kung dapat nandito ako at nakikinig ng diskusyon nila. Usapang pang matanda ito. Pero naisip ko rin na tutal naman na kaibigan ko si Win at gusto ko siyang tulungan sa ano mang magagawa ko, siguro walang masamang nandito ako.

"May point si Marselo, Juanita. Dito na lang si Win. Kung namomoblema kayo kung saan siya titira, pwede sa amin. Tutal, magbestfriend naman si Win at Yasser. Hindi mahihirapang magadjust si Win kung sa amin siya titigil." ani Mommy. Bumaling siya sa akin, "Ayos lang ba yun sayo, Yasser?"

Lahat naman sila ay agad bumaling sa akin. Si Tita Juanita ay talagang inintay pa ang sagot ko. Waring gusto niya akong sumalungat sa kagustuhan ng mommy ko.

Dahil halos magkasabay na kaming lumaki ni Win, hindi ko maaalis na maging close siya sa mommy ko. Parang magkapatid na rin kasi ang turingan namin ni Win at parang pangalawang magulang na rin niya ang parents ko. Ganun din naman ako sa kanila, kaso hindi ko lang masyado naging close ang daddy niya dahil sobrang busy nito at tuwing pupunta ako sa kanila, wala ito.

"Okay lang po, Ma. Wala pong problema sa akin." sagot ko.

"Alam kong magkasundo ang anak mo at pamangkin ko, Suzaine. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil handa niyong tulungan ang pamangkin ko. Pero hindi naman maaari na doon na lang siya sa inyo. Dapat tayong maging praktikal. Kami ang pamilya, kami ang dapat tumutulong sa kanya. Alam kong hindi kami mayaman, hindi rin malaki ang bahay namin, at walang hekta hektarang mga lupain."

"Hindi naman iyon ang ibig naming iparating, Juanita." ani Tita Isabel.

"Alam ko. Alam ko. Pero iba na ang panahon ngayon. May kanya kanya tayong mga problema at ayoko namang makadagdag pa itong problema ng pamilya namin sa inyo. Kaya ko namang tustusan ang pagaaral ni Win ngunit hindi nga lang dito. Siguro, maninibago siya sa probinya pero sigurado akong magugustuhan rin niya doon. Andun ang mga pinsan niya. Tiyak na hindi siya malulungkot."

Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ni Mommy dahil sa punto ng Tita Juanita. Naabutan ko pa ang pagiling niya kay Daddy. Marahil wala na siyang maisip na ibang paraan para manatili dito si Win. Kahit ako, ayaw kong mapalayo si Win sa amin. Simula bata pa lang, siya na ang matalik na kaibigan ko. Lagi kaming magkasama. Napagkakamalan pa nga kaming kambal dahil laging terno ang mga suot naming damit. Sabi pa nga nila, parang magkadugsog na ang mga bituka namin. Hindi ko na maisip kung anong mangyayari kapag magkakalayo kami.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon