Chapter 21 // Okay

747 32 25
                                    

Chapter 21
Okay

[ Win's POV ]

Matinding katahimikan ang bumabalot dito sa loob ng kwarto ng daddy ko. Tanging ang ugong lang ng aircon ang iyong maririnig.

Nakaupo ako sa tabi ng kama niya. Kami lang dalawa ang narito. Ngumiti ako sa kanya. Mukhang ang sarap sarap ng tulog niya. Parang wala siyang sakit na nararamdaman. Parang malayo siya sa mga problema. Parang hindi siya nahihirapan.

Kumunot ang noo ko. Kahit masarap ang tulog niya, sana naman gumising na siya. Hindi ko kayang wala siya sa tabi ko. Kailangan ko siya. Siya na lang ang naiwan sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at may tumulo na lang na luha sa mga mata ko. Miss na miss ko na siya. Limang araw na siyang natutulog. Hindi pa rin nagigising. Sabi ng doctor, naging ayus naman ang operasyon kaso talagang kailangan lang naming maghintay ng paggising niya. Masyado daw kasing nainjure ang ulo niya. Hindi naman daw aapektuhan ang memorya niya.

May kumatok sa pinto at agad iyong nagbukas. Agad kong pinahid ang mga luha ko. Napatayo ako nang pumasok ang doctor na nagopera kay daddy. Waring nagulat pa siya ng makita ako. May kasama itong babaeng nurse na may hawak ng records.

"Good morning, Dr. Porter." bati ko. Tumango siya. Bumati rin ako sa nurse na katabi niya. Ngumiti ito sa akin.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. San Diego?"

"Opo, ako nga po. Kumusta naman po siya?"

Hindi agad siya sumagot. Tumingin siya suot ko kaya ganun din ako. Nakasuot na pala ako ng uniform. Papasok kasi dapat ako ngayon, kaso sabi ni Tito Marselo at Tita Suzaine may emergency meeting sila kaya walang magbabantay ngayon kay daddy. Naisip kong ako muna ang magbantay sa ngayon at kapag dumating na sila, saka ako aalis. Siguro darating sila mamayang tanghali.

"Maganda naman ang epekto ng mga gamot sa kanya. Sa ngayon, ichecheck lang muna namin ang vital signs niya." Tumango ako sa sinabi niya.

Lumapit siya kay daddy at isinuot ang stethoscope na nakalagay sa kanyang leeg. Pinakinggan niya ang heartbeat ni daddy at sinabi sa nurse ang resulta na nakuha.

"Kaano ano mo si Marselo De Guzman?" tanong pa nito.

"Ah.. Business partner po siya ng daddy ko at isang mabuting kaibigan rin."

Tumango siya. "Hindi ka pumasok?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Nahihiya ako sa kanya. Siguro dahil tinitingala ko talaga ang propesyon niya. "Alam kong nagaalala ka sa daddy mo. Pero mas magaala siya kung malalaman niyang hindi ka pumapasok sa school."

"Kasi.."

"Sige na, pumasok ka na. Tatawagan ko ang Tito Marselo mo na pumunta dito ngayon." sabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi iyon. Waring siguradong sigurado siya na kaya niyang papuntahin ang tito ko ngayon. Siguro malapit rin siyang kaibigan ng tito ko o baka naman pinsan niya?

Ilang oras nga ang lumipas, dumating agad si Tito Marselo. Mukhang galing nga siya sa meeting. Wala si Tita Suzaine. Hindi niya kasama. Hula ko, hindi pa tapos ang meeting dahil wala pa namang tanghalian. Napailing na lang ako sa nangyari.

Umalis na ako ng makarating siya. Papasok ako ng school kahit late na ko. Aabot naman ako sa panghapong klasr dahil maglulunch break pa lang. Tinext ko agad si Yasser.

Win:
San kayo?

Yasser:
Soccer field.

Pinaandar ko ang sasakyan ko at dumiretso na sa school. Maraming estudyante ang nakita kong lumalabas dahil lunch break na. Karamihan ay mga nagko kolehiyo na.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon