Chapter 13 // Kamay

677 32 6
                                    

Chapter 13
Kamay

[ Win's POV ]

Tahimik ang buhay ko ng may biglang tumapon sa aking unan. Nalaglag iyon sa sahig. Nilipot ko agad iyon at hinanap ang salarin. Bumungad sa akin ang nakataas ang kilay na si Yasser. Nakalagay ang kamay niya sa magkabilang bulsa.

"Ikaw ba ang nagtapon nito?" pagalit kong sabi. Biro lang iyon, hindi ko kayang magalit sa kaibigan ko at alam niya ito. Umiling lang siya.

"Quotang quota na ko sa mga baliw dito sa tambayan. Tama na ang tatlo." aniya. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa nina Franco, Brandon at Vincent. Pumalo pa sa lamesa itong si Vincent. Animo'y hindi na kayang magpigil. Anong problema ng mga ito?

"Ano bang sinasabi mo Yasser?"

"Ay naku, Win! Kanina ka pang ngumingiting magisa diyan. Anong bang nakain mo at parang ang saya saya mo diyan? Nababaliw ka na nga ata." pagpaparatang ni Vincent.

"Ano bang iniisip mo?" tanong naman Franco. Tumabi pa siya sa akin sa sofa at inilagay ang kamay niya sa aking balikat. "Babae ba yan? Haha"

"Ewan ko sayo! Puro ka babae!" itinulak ko siya. Tumayo ako para ayusin ang damit ko.

"Nga pala. Nagaaya si Raffy. Saturday daw. Gala. Isama daw natin si Zeke." Magkababata kaming apat kaya close kami. Siguro gusto ni Raffy magbonding kami. Miss na niya kami.

"Hindi ako pwede. May lakad ako sa Saturday."

May date kami ni Reina. Hindi ko alam kung napilitan ba siya o ano. Sa totoo ay hindi ako mapilit sa mga babae. Madalas sila ang nagpipilit para makadate ako. Siguro napilitan lang siya dahil nasa akin ang cellphone ni Third. Ayos na rin. Nagenjoy rin naman ako. Pikon siya at masarap asarin.

"Ano ba?!" sigaw ko nang may mangbato ulit ng unan sa akin. Tumingin ako kay Yasser. Siya na naman ang bumato nito. Nagtawanan na sila.

Umirap ako para kumuha ng alak sa may ref. Sumunod sa akin si Yasser. Sinusuri niya ako. Puwesto siya sa may gilid ko.

"Ano naman kaya ang importante mong lakad at ipinagpalit mo si Raffy?" tanong niya. Ngumuso ako.

"Wala ng alak?" tanong ko nang pagbukas ko ng ref ay walang bumunyag sa akin. Marahil ay inubos iyon ni Vincent. Gusto kong iwasan ang tanong niya.

"Nagpabili na ko." sagot niya. Tumango ako bago sinarado ang ref. "So, sino ang kasama mo?" Nagtaas ulit siya ng kilay. Hinuhuli niya ako. Alam niyang importante sa akin si Raffy. Lahat ng lakad ko ay icacancel ko para lang makasama ang bestfriend ko. Syempre hindi kasama ang pamilya ko dun. Sila pa rin ang uunahin ko. Alam yun ng mga kaibigan ko.

Nagisip ako. "Hmm. Si Daddy."

"Aalis ang daddy mo sa Friday. Kasama niya ang daddy ko papuntang Mindoro." pumikit ako ng mariin sa sinabi niya. Shit! Bakit nawala sa isip ko?

"Osige na. Sasama na ko. Pero baka mga 5pm ako makapunta o 6pm
Di ko sure. Text ko na lang kayo."

"Sige. Sabi ni Raffy, baka after lunch pa kami magkita kita."

"Yes! Nagreply na siya!" sigaw ni Franco. Pumunta kami doon sa sofa. Naabutan naman naming nagtatatalon si Franco. Mukhang masayang masaya.

"Sino daw yun?" tanong ko.

"Si Quina, nagreply na daw." bulong ni Vincent sa akin pero narinig din naman ng lahat.

"O? Ano daw sabi?" hindi ako interesado pero dahil sobrang saya nitong si Franco ay napaisip na rin ako.

My Brother's BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon